Catriona at Pia
STAR/ File
Pia at Catriona happy ang puso kahit may pandemic
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

In love ang dalawang Ms. Universe natin, Salve.

Para na ring movie stars ang buhay nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na sinusundan ng lahat ang love story.

Mabuti naman at hindi sila madamot sa mga kaganapan sa buhay nila.

Naging open naman noon si Pia kay Marlon Stockinger, at ganoon din si Catriona kay Clint Bondad.

Now meron nang Sam Milby si Catriona, at Jere-my Jauncey si Pia, na inamin din nila publicly.

Bongga, beautiful na, happy in love pa.

Complete life kahit may pandemic.

Happy life para sa mga Ms. Universe natin. Suwer-te ng mga guys.

Second TVC ni Hyun Bin, Pinay ang makaka-partner

Meron pa palang commitment si Hyun Bin,  na second version ng kanyang Smart phone commercial.  Ang sabi nga, baka magkaroon siya ng kapareha sa gagawing second version ng Smart commercial, at baka naman local star o celebrity ang makakasama ni Hyun Bin dahil baka dito iso-shoot ang ad.

Naku sa mga nag-iilusyon, tiyak panay na ang parinig sa mga executive na available sila para maging partner ni Hyun Bin, hah hah hah.

Hindi ko pinangarap Salve na nakapila ka rin doon noh, isa ka rin sa may ilusyon kay Hyun Bin noh!!

Mga resto puwede na sa dine-in

Kahit pa nga sabihing baka takot pa sa dine-in ang mga tao maganda na rin na makitang meron nang mga nagbubukas na resto para sa mga taong gustong kumain dito.

Matagal na rin namang nakasara at halos sa take out na lang umaasa ang mga nasa restaurant business kaya big news na papayagan silang mag-open.

Marami na ang nagki-crave sa mga favorite resto nila, at matagal na ring nganga ang mga waiter at cook kaya dapat lang na makapag-trabaho na sila ngayon.

Please, gaya ng mga salon at beauty parlor na mababawasan ang income dahil half lang ang puwede dahil sa social distancing, ganoon din ang mga resto, halos lugi na nga sila sa operating expenses, pero kahit paunti-unti ang trabaho, ok lang basta makapagsimula na lang ulit sila.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with