Nadine
STAR/ File
Nadine, naging lola dahil sa lockdown
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 4, 2020 - 12:00am

May bulung-bulungan na nagkabalikan na raw sina Nadine Lustre at James Reid. Pumutok ang balitang ito nang makitang muling magkasama ang dalawa kamakailan.

Nanatiling magkaibigan ang dating magkasintahan at sa katunayan ay magkatrabaho ngayon para sa bagong full-length album na ginagawa ni Nadine.  “This is the perfect platform or catalyst to help empower and inspire people who listen to my music. The album is very personal because it’s all about what I went through, my experiences,” pagbabahagi ni Nadine.

Para naman kay James ay dapat pakaabangan ng kanilang mga tagahanga ang bagong album ng aktres dahil talagang personal ang tema nito. “We’re focusing mainly on empowerment and self-love. It’s Nadine’s experience. She’s one of the strongest women I know. She’s been through so much and I’ve seen her grow. The inspiration was all there. It was really just getting the people together to help tell that story. I feel like it’s the biggest project of the year,” paglalahad ni James.

Samantala, may ilang mga bagay daw na nahiligan si Nadine dahil sa pagpapatupad ng community quarantine sa buong Luzon. “I became a lola this quarantine, swear. I wake up around 6 or 7 am, and pass out around 9 or 10 pm. I’m like expired now, I can’t even stay late anymore. I’ve been cooking, I’ve been busy with my plants and flowers, too. I’m really fascinated with flowers. I’ve been doing flower arrangement as well,” natatawang kwento ng aktres.

Sue, nawili na sa pagwo-workout

Sinisikap ni Sue Ramirez na makapag-workout kahit nasa bahay lamang. Regular na raw itong ginagawa ng aktres para sa kanyang kalusugan. “Dati makulit ako. Ayaw ko talagang nagwo-workout. No’ng tumatanda na, na-realize ko na importante pala talaga siya hindi lang para sa itsura. Hindi ka nagwo-workout para sexy ka, maganda ka, hindi gano’n. Nagwo-workout ka dahil inaalagaan mo ang sarili mo. So isang malaking bagay ‘yon, dapat nag-e-exercise talaga tayo. Nagwo-workout ako hindi para sexy ako tingnan. Nagwo-workout ako para maganda ang kalooban ko, healthy ako, ‘yung heart ko healthy at saka ‘yung pag-iisip natin ay healthy,” paliwanag ni Sue.

Bago ipatupad ang community quarantine ay abala ang dalaga sa taping ng A Soldier’s Heart. Isa si Sue sa mga gumaganap na sundalo sa natu-rang serye kaya talagang kinakailangang maging malakas ang pangangatawan. “Actually ‘yon siguro ang nag-push sa akin to stay fit. Kasi gumawa ako ng isang action movie, Kid Alpha One’pinagsabay ko sila ng A Soldier’s Heart. So kaming mga artista kailangan talaga namin to live up to the role that we are portraying para pinapaniwalaan ng mga tao. So kailangan ko maging fit dahil unfair naman sa mga boys na kasama ko na nagsipag sila mag-workout. Responsibilidad ko ‘yon as an actress to live up to the role at sa expectation of the character na kailangan fit siya kasi sundalo siya,” pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

JAMES REID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with