Boy Abunda
Boy Abunda handa nang sumabak sa digital platforms
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2020 - 12:00am

Tahimik ang karamihang Kapamilya talents sa social media, at walang may nagbigay ng opinyon pagkatapos ng hearing ng franchise ng ABS-CBN 2 sa Kongreso nung nakaraang Lunes.

Hindi ko alam kung sinabihan na sila o nag-iingat na lang ngayon dahil dinidinig na ito at nakasalalay na ito sa mga nasa committee pag nagkabotohan na sa plenary.

Si Vice Ganda ay nagpaka-positive lang at nag-post sa kanyang Twitter account na nagpapasalamat sa mga Kongresistang nagtanggol at nagsalita para sa pagbigay ng 25-year franchise sa ABS-CBN 2.

Kinagabihan nga sa radio program namin sa DZRH, nakapanayam namin si Kuya Boy Abunda, at malinaw ang kanyang sagot na hindi siya makapagbigay ng ano mang opinyon dahil dinidinig na ito at wala raw siyang sapat na kaalaman sa pinag-uusapang batas, lalo na rito sa franchise.

“Ito ay isang diskurso. Ito ay isang debate, and simply said na sinabi ni SolGen Calida na may kasalanan ang ABS kaya it doesn’t deserve a franchise.

“Ang sinasabi ng ABS-CBN…ang sinasabi namin, we deserve a franchise dahil wala kaming kasalanan.

“Ang kasong ito ay nasa korte ngayon. Kaya hindi naman ako…number one. I’m not privy to the case.”

Basta nagpahayag siya ng suporta sa Kapamilya network na kung saan doon siya nakalipad nang matayog sa propesyong pinili niya. “Ako ay isang talk show host ng ABS-CBN, normal, natural at naniniwala ako ng taus-puso na nasa tamang lugar ang ABS-CBN.

“But since it is a case, sabi nga we cannot talk merits dahil ito ay nasa Supreme Court ngayon sa kasalukuyan.

“Pangalawa, hindi ko alam ang detalye. Ang alam ko lamang ay base sa konting alam ko sa kaso ay nasa tamang perspektibo, nasa tamang punto ang ABS-CBN. I will not be able to defend in details dahil sabi ko nga…hindi ako magkukunwari na alam ko ang mga detalye ng kaso.

“I would leave this to the courts of law. I will leave this to Congress. Sila naman ang may responsibilidad  na i-review, i-examine. Sila naman ang nagsasabi kung totoo o hindi, at sila ang magdidesisyon,” dagdag niyang pahayag.

Nakahanda naman ang talk show host sa kung ano ang maaring mang­yari. Hindi man siya ganun ka-techy, pero ngayon ay inaaral na niya at nakapag-adjust na siya sa bagong teknolohiya lalo na ngayong digital na at online sa iba’t ibang platforms ang bagong normal.

“Nanggaling din naman ako sa walang alam,” pakli niya. “Am I open to doing digital shows? Yes. Pero makakaasa kayo na pag pinasok ko yun ay aaralin ko. Sisiguraduhin kong maganda ang aking gagawin, maganda ang aking ginagawa, at alam ko ang aking pinapasok.

“Doon naman sa mga naglipana na mga talk show, hindi lamang dito sa PIlipinas. Pati sa labas ng Pilipinas, lahat merong mga podcast, reaction videos, mga vlog, mga talk shows, mga analysis.

“Meron naman tayong karapatang mag-click. Kung ayaw mo, huwag mong panoorin. Kung gusto mo, sabihin mong napakahusay.

“Kahit noon pa man nung gumagawa tayo ng mga television shows, some people like us, some people didn’t like us. Kung ayaw mong panoorin, huwag mong panoorin. Kung gusto mo, panoorin mo.

“Bahagi iyun ng iyong karapatan,” pahayag pa ng King of Talk Boy Abunda.

Mga guwapong boylet na nawalis na ang ipon, ang bilis makahingi ng ayuda sa mga bading

Maingat ngayon ang mga kabadingan kapag nagmi-message na ang isang guwapong boylet ng “kumusta ka Tito?”

Alam na nila kung ano ang kasunod niyan; manghihingi na ng ayuda.

Ang dami na kasi talagang gutom ngayon dahil wala pang trabaho, at walang kasiguraduhan kung magkaka-show pa ba ngayong nasa bagong normal na.

Kaya ang iba ay wala nang pang-grocery, nagmi-message sa mga kaibigang bading na may kaya at nagpapasabay kunwari sa grocery.

Ilang miyembro ng all-male group ang gutom na talaga at walang nararaket kaya nakikiusap na sa mga kaibigang bading na kaya pang ilibre sila ng grocery.

Isang kaibigang bading ang nakausap ko na dalawang  miyembro ng all-male group na naipag-grocery na raw niya.

Nakakaawa naman daw kasi dahil nasimot na ang ipon at wala pa ring trabaho. Hindi naman niya ikinuwento sa akin kung ano ang kapalit sa grocery, dahil naawa lang daw siya.

Ganun yata ang mga kabadingan. Kapag guwapo ang nangangailangan, ang dali nilang naawa.

BOY ABUNDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with