^

PSN Showbiz

Agimat ni Mang Ramon, umepekto na naman!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Agimat ni Mang Ramon, umepekto na naman!
Ramon Revilla Sr.

Parang gusto ko nang maniwala, Salve, na merong anting-anting si Mang Ramon Revilla Sr. Kasi ‘di ba 94 years old na yata siya, madalas ang atake, at nakasakay na nga siya sa wheel chair, pero ang sharp pa rin ng memory niya. Talagang siya ang tumatayong haligi ng Revilla family. Kahit pa nga sabihin mong nasa edad na ang mga anak na sina Bong, Strike, Rowena, Diana, Princess at Andeng pati na ang ilan nilang kapatid, ang kanilang source of strength.

Sobra nilang mahal ang natitira nilang magulang kaya natataranta sila pag may nangyayari dito.

Ang elder brother ni Bong na si Marlon, ang bale tumatayong bond that tie them together tuwing may ganitong serious na nagaganap sa health ni Mang Ramon. Talagang makikita mo ang closeness sa mga Revilla tuwing may nangyayari sa tatay nila.

Nakabantay silang lahat at nagdarasal. Sana nga humaba pa ang buhay ng Agimat ng pamilya Revilla.

Get well the soonest Mang Ramon, ilabas uli ang anting anting. 

Korean fever mas lalong tumitindi

Iyon Korean fever siguro lalo pang tumindi, Salve, dahil sa lockdown.

Dahil nasa loob ng bahay, nag-Koreanovela marathon ang marami, at ngayon nga nadagdagan pa ang mga fans ng mga Oppa at Unni.

Grabe, pati Smart si Hyun Bin ang endorser, dalawang top Korean Oppa sa Bench ni Ben Chan, sila Hyun Bin at Ji Chang Wook.

Iyang Korean invasion na iyan lalo pa yatang tumindi.

Naku sina Rose at Vinia, sabik nang pumunta uli sa Korea, paano iyan Salve, mahirap pa ang biyahe noh, walang flight at uso pa ang quarantine. Hah hah wait muna tayo sa vaccine.

vuukle comment

RAMON REVILLA SR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with