Pauleen, Talitha at Vic
Pauleen may utang pa!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2020 - 12:00am

Touch naman ako kay Bossing Vic at Pauleen Sotto, plus Talitha of course.

Alam ni Pauleen na favorite ko talaga ang persimmon, kaya lang hindi season ngayon, pero siguro meron friends sa Australia ang mag-asawang Sotto dahil duon lang meron persimmon at naisip ni Pauleen na padalhan ako. Kaya nga smile ako sa letter niya na meron pa siyang utang na birthday gift dahil iba ang hiningi ko sa kanya, GC ng Puregold hah hah.

Thank you Pauleen at Bossing Vic plus Talitha for giving me my favorite fruit, pero meron pa rin utang na GC, remember !!!

Nararamdamang pain ngayon, magiging lakas ng bukas

Siguro pag ang inaasahan mo lang ay ang trabaho mo Salve, panic mode ka talaga pag hindi mo alam kung ano ang magiging katayuan ng kumpanya mo after ng pandemic. Wala pa naman recession, wala pa naman drastic changes sa financial market, pero iyon nga, ang maliliit na negosyo talagang apektado nang husto. Marami ang balita na baka magsara, pero marami rin naman ang nakaisip ng mga bagong maliliit na negosyo na bubuksan.

Hindi mo masisi iyon talagang parang hopeless na ang feeling, lalo nga at ang daming OFW na umuwi dahil apektado din ang trabaho abroad. Pero lahat naman iyan will pass, maaayos, basta relax lang, wait, huwag mainip. Tomorrow is a different day, hope for the better.

Nightmare ng COVID dapat kalimutan

Salve na feel mo ba na parang standstill lahat around you?

Nalimutan ko na binati ako ni Papa Miguel Belmonte nung birthday ko at nagtaka pa ako nang sabihin niya na work from home ka kaya hindi niya naabot iyon ibibigay niyang present para sa akin.

Tapos naalala ko, na oo nga hindi  ka pumupunta sa office at work from home ka dahil nga sa nangyaring covid-19 outbreak.

Parang meron akong time warp na ang huli kong alaala isang presscon kung saan masa­yang chicahan ng mga showbiz writer ang nasa memory ko.

Grabe, kelan pa kaya mauulit ang mga presscon ngayon, ang mga showbiz gathering, ang mga press visit?

Naku, ihinto ko na lang ang memory dun sa masaya, forget ko muna ang nightmare ni coronavirus.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with