^

PSN Showbiz

Vice iwas na iwas kay Pastor Quiboloy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vice iwas na iwas kay Pastor Quiboloy!
Vice
STAR/ FIle

Pinipilit na lang ni Vice Ganda na magpaka-positive kahit pinuputakti ito ng panlalait sa social media, lalo nang lumabas ang mensahe ni Pastor Apollo Quiboloy sa kanya.

Hindi niya ito sinagot, at sa halip ay mga pagpapatawa at araw-araw niyang ipinaparating sa kanyang Twitter followers na maging masaya na lang, maging positive sa gitna ng pandemyang pinagdaanan natin.

Sa kabila nito, marami pa ring kanegahan at kung anu-anong puna at alipusta ang mga komentong pumapasok sa kanyang Twitter account.

Nung kamakalawa lang ay nag-post siya ng maayos na pakiusap na puwede namang i-unfollow siya kung toxic lang sa kanila ang mga ipinu-post nito.

Sabi niya; “Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdadaanan nyo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko pls continue following me. Salamat po. Pero kung ayaw nyo sakin at sa mga tweets ko pls do urselves a little favor. Please unfollow me. Don’t allow me to annoy you. And dnt be a toxic follower.”

Nagpahayag ng suporta ang fans ni Vice pero may ilang nagbibigay ng komento na hindi naman dapat manahimik lang si Vice Ganda bilang isa siya sa mabisang social media influencer, bakit hindi raw nito gamitin ang kanyang platform para magbigay ng sarili niyang opinyon sa mga isyung pinag-uusapan sa ngayon.

Hindi raw siya dapat basta manahimik na lang.

Pero mas pinili ng comedian/TV host na magpasaya na lang at magpatawa sa followers niya. Nung nakaraang Sabado ng gabi ay nagpa-live chat siya sa kanyang fan page sa Facebook kasama ang stand-up comedians na sina Macy at Petite.

Tawag nila sa kanilang FB live chat, Gabing-Gabi na Vice na nag-trending pa sa Twitter nung gabing iyun.

Guest din nila roon si Jackie Gonzaga ng It’s Showtime na napaiyak pa nang pinag-uusapan ang isyu ng pagtataksil ng taong minahal mo.

Nagpa-game si Vice Ganda na kung saan namigay siya ng premyong tig-isang libo hanggang sa limang libong piso.

May mga patawa silang mag-isip ng magandang titulo sa mga gagawing negosyo ngayong nasa bagong normal na tayo. Kagaya ng Miki Belo raw ni Dra. Vicki Belo kung sakaling magpapatayo ito ng pancitan. Iyun lang ang ginawa nila, na lagi niyang sinasabing gusto lang daw nilang mag-spread ng positivity at saya sa mga sumusubay­bay sa kanya.

Napag-usapan din nila itong pagharap natin sa GCQ na mas maluwag na at puwede nang bumalik sa trabaho ang karamihan.

Nagtanong si Vice Ganda kung nasa GCQ na tayo, ibig sabihin ba tigil na rin ang pagbigay ng ayuda. “Wala na bang ‘Ariela Ayuda’ pag GCQ?” tanong niya sa mga kasamahan niya.  “Wala na yata yan,” sagot naman ni Macy. Kaya parang linggu-linggo na itong pa-FB live ni Vice at nanawagan siya sa mga close friends niya na baka puwede raw mag-donate na dagdag papremyo para bongga ang mga pa-‘Ariela Ayuda’ nila.

Catriona and Sam, ginugulo ni ‘Clint’

Marami ang nagsasabing poser daw ni Clint Bondad itong nagpu-post ng mga hanash niya sa tungkol sa relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby.

Nang pumutok ang balitang ito, meron na agad itong post na nagparating ng mensahe kay Catriona. May mga nagsabi nang poser lang ito, pero tuloy pa rin siya sa pagpu-post na kesyo may mga nami-miss daw siya sa mga nakasana­yan niya noon pero kailangan daw niyang tanggapin na may mga bagay talagang kailangan nang magbago.

Merong nalulungkot daw siya, pero okay lang, pero may mga nagkokomentong poser lang daw ito.

Mas naniniwala kaming poser nga ito dahil sa totoo lang, hindi ngayon lang nabuo ang relasyon nina Catriona at Sam.

Kinumpirma ng ilang taong malapit kay Catriona na nung nanalo ito sa Miss Universe 2018 ay wala na raw sila ni Clint. Habang suot pa niya ang korona ng Miss Universe ay may nakakakita nang lumalabas sila ni Sam, at bandang huli ay inamin na ni Catriona na matagal na silang break ni Clint.

Waray sa YT muna...

Ngayong nasa GCQ na tayo, unti-unti nang magba-back to normal sa trabaho, pero sa TV ay medyo mahirap pa.

Wala pang balita kung may magsisimula na ba sa mga drama series, dahil mahirap pa talaga itong i-mount lalo na ngayong mahigpit na ipapatupad ang mga bagong guidelines at protocol sa shooting at taping.

Kaya sa ngayon ay sisimulan muna ng Anak ni Waray Vs. Anak Ni Biday ang YouTube, dahil meron na ring vlog ang bidang karakter doon na si Ginalyn na ginagampanan ni Barbie Forteza.

Mapapanood ito ngayong alas-otso ng gabi sa social media account ng GMA Network.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with