^

PSN Showbiz

Lorna handang ma-lock-in ng five weeks sa taping, bisita bawal

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lorna handang ma-lock-in ng five weeks sa taping, bisita bawal
Lorna Tolentino
STAR/ File

New norm…

Handa na si Lorna Tolentino for lock-in set up sa taping.

Sa kuwento ni LT the other day sa online show ni Bambbi Fuentes with Ms. Pinky Tobiano, five weeks daw silang walang labasan kung saan sila naka-lock-in either sa isang hotel o sa isang bahay.

Wala rin daw puwedeng bumisita sa kanila during that period. “Para rin kasi ma-control ang tao. Kasi kung isa lang ang magkaroon, lahat mahahawa na. Mahirap kasi pag nahawa ang isa,” say pa ni Ms. LT nang tanungin siya kung puwede silang pasyalan doon.

Chika pa niya, bago ang lock-in, meron silang covid testing at ganundin after the taping, bago sila umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Bawas na bawas na rin daw ang tao sa set at lahat ng artista, kanya-kanyang ayos na. Wala na ang glam team na dating regular fixture sa mga taping and shooting. ‘Yung mga key people na lang daw talaga - cast lang daw at staff ang dapat na nandun.

So ayun na nga ang new norm at ayon kay Ms. LT ay tanggap na niya.

Mahihilig sa theme park bawal nang tumili

Ang Star City ang naalala ko nang mabasa ko ang article tungkol sa inilabas na guidelines ng major theme operators sa Japan.

Kasama sa nasabing set of guidelines na - no screaming - kahit nasa roller coaster ka pa.

Ito diumano ay para na rin masiguro ang safety ng mga namamasyal at staff sa kabila ng hindi pa rin natatapos na krisis ng coronavirus sa buong mundo.

Inalis na ang state of emergency sa Japan at open na uli ang amusement parks doon pero ‘yun nga, kailangang magpigil ang mga thrill seeker.

Grabe paano ka nga naman makakapagpigil sumigaw pag nasa rides ka? Ayun pa naman ang pinaka-exciting part pag nag-rides ka.

Well, sa kasalukuyan, hindi rin naman puwedeng makapasyal sa Japan ang mga Pilipino dahil sa inilabas na entry ban kung saan kasama ang magmumula sa Pilipinas sa mga bansang hindi muna nila tatanggapin.

Kasama sa sikat na amusement parks sa Japan and Disneyland and Disney Sea sa Tokyo, Universal Studios sa Osaka, at marami pang iba.

Anyway, going back to Star City, baka nga malabo nang magbukas pa uli ang Star City matapos itong masunog noong October 2019 ng madaling araw na kinalungkot ng mga suki nito na karamihan ay mga bata ngayong mahirap nang mag-operate ng amusement park dahil wala pa ring nadidiskubreng vaccine kontra sa covid-19.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with