^

PSN Showbiz

Zsa Zsa nag-birthday blowout kay Dolphy!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa nag-birthday blowout kay Dolphy!
Zsa Zsa
STAR/ FIle

Hindi pa rin nakakalimutan ni Zsa Zsa Padilla na dalawin si Dolphy kapag may mga mahahalagang araw itong sini-celebrate.

Nung ipinagdiwang ng singer ang kanyang 55th birthday nung nakaraang Huwebes, May 28, at kahit abala sa paghahanda sa kanyang virtual birthday lunch nung araw na iyun, isiningit pa rin niya ang  pagdalaw sa Heritage Memorial Park na kung saan doon nakaburol ang Hari ng Komedya.

Ipinost nga niya sa kanyang Instagram account na binuksan uli ang Heri­tage Park pagkatapos itong isara nung nag-ECQ.

Na-enjoy niya ang FB live sa close friends at mga fans na talagang hindi raw siya iniwan.

Kahit hindi naman siya ganun ka-techy, natutunan na rin niya ang online tsikahan sa mga kaibigan at fans na bumati raw sa kanya.

Iyun ang kakaibang celebration niya sa kanyang kaarawan ngayong nasa gitna pa tayo ng pandemic.

Tamang-tama na rin ngayong naka-ECQ at magiging GCQ na next week, naayos na nila ng partner niyang si Architect Conrad Onglao ang kanilang farm sa Lucban na bahagi na rin ng kanilang retirement plans.

Buti na lang sabi ni Zsa Zsa na pareho na sila ng pangarap ni Arch. Onglao -  ang ayusin ang kanilang retirement plans, at kasama sa paghahanda nila ang Casa Esperanza at Esperanza Farms sa Lucban, Quezon.

Kinukuwento ni Zsa Zsa sa IG live interview sa kanya ni Noel Ferrer na malapit na raw matapos ang kanilang Casa Esperanza na katabi ng kanyang farm. “In two months, malamang ok na iyung Casa Espe­ranza. It’ll be a good place for honey­mooners,” sabi ni Zsa Zsa.

“Dito na talaga namin ibinuhos ni Conrad ang aming effort at resources bilang paghahanda sa aming future at para sa mga anak na rin namin at mga kaibigan,” dagdag niyang pahayag.

Inilarawan niya kung anong tipo itong Casa Esperanza na very private daw ang lugar na kung sakaling doon gumawa ng isang selebrasyon, kagaya ng very intimate na wedding, birthday o ano mang celebration.

Doon kaya nila planong magpakasal?

Ikinuwento naman ni Zsa Zsa ang mga gadget  at technical set up para sa kanyang recording ang birthday gift sa kanya ni Arch. Onglao.

Balak na rin kasi ni Zsa Zsa na magkaroon ng sarili niyang You Tube channel, dahil iyun naman ang ginagawa ngayon ng karamihang celebrities dahil wala pa ring kasiguraduhan sa shows natin.

Ken hindi nagmamalisya

Ngayong tanghali sa FB live chat  ng All-Out Sundays ay magkakaroon ng reunion ang TGIS na tatampukan nina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Michael Flores, Red Sternberg, Ciara Sotto at Bernadette Allyson. Isa ito sa inaabangan na segment sa FB live chat na marami na ang nagri-request na sana mapanood na ito sa TV. Malamang na magiging maingat na ngayon ang mga host sa pagbasa sa mga comment na lumalabas gaya nung nangyari kay Ken Chan na sabi nga nila, ‘binagsakan’ niya ang mga kasamahan niya sa FB live chat na iyun na sina Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Aicelle Santos, Betong Sumaya at Christian Bautista.

Parang nagulat at nagtaka pa si Ken, nang nagtawanan ang mga kasamahan niya nang nagpa-shout out si ‘Master Bator’ na nagpapabati dun sa FB live. Huli na lang niya napagtanto kung bakit nagtawanan ang mga kasamahan niya. Wala naman kasi siyang kamali-malisya nang binanggit niya ang nagpapa-shout na si ‘Master Bator’. Nag-viral at napaglaruan ng mga netizens ang boo boo na iyun ni Ken.

ZSA ZSA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with