^

PSN Showbiz

Ibang teleserye hindi na magre-resume ng taping

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ibang teleserye hindi na magre-resume ng taping
TV Patrol
STAR/ File

Siguro nga delayed ang reaction ko dahil ngayon ko lang parang na-feel na  totoo palang nag-shutdown ang ABS-CBN. Kasi nga ng last episode ng TV Patrol sa Channel 2 na teary eyed ako sa farewell nila Noli de Castro, Bernadette Sembrano at Ted Failon, napanood ko uli ang news program sa ANC at Teleradyo. Iyon pakikinig ko kila Pat P. Daza at Ka Tun­ying sa DZMM nagagawa ko rin naman sa Teleradyo. Napapanood ko naman mga programa sa Cinema 1, Jeepney Channel at CineMo. Nasa Metro Channel naman ang favorite mass ko every Sunday ni Father Tito Caluag. Kaya, para bang hindi ko nadama ang complete pagsasara ng Channel 2. Pero now, na may mga balita na iyon ilang telenovela shelved muna kahit pa nga balita na magri-resume ng taping na Ang Probinsyano, nadama ko na ang gravity ng shutdown. Parang, ahh totoo nga, puwede pala i-shutdown ang isang giant network. Ahh totoo nga, wala nga pala ang Channel 2 at DZMM.

Naku, magbababad ako sa panonood ng ­hea­ring sa Monday dahil pag-uusapan na naman ang franchise nila, at sabi nandun na si SolGen Calida. Pray tayo na maging maganda ang resulta, na sana manaig ang justice, na talagang katotohanan ang makita ng tao. No emotional blackmail, facts ang ilabas. Democracy and justice will prevail. Pray natin for the good of thousands and millions of people involved. Watch tayo sa Monday hearing.

Mga nangyayari sa paligid, parang panaginip lang

So thankful and grateful na duma­ting ang uncertainties na ito now na 73 na ako.

Scary siguro for the young generation ngayon ang thoughts for their future. Scared din siguro mga young working parents sa magiging kinabukasan nila. Ang maganda lang siguro iyon mga bagay that will turn for the better na puwedeng pakinabangan ng mga darating pang henerasyon, but iyon mga mawawalan ng trabaho, iyon mga babagsak na business, iyon mga hindi alam kung saan at ano gagawin, paano na?

Kahit sa writing business medyo bleak din ang future, kakabit ng entertainment ang mga showbiz writer, pag down ang showbiz, saan pupunta ang showbiz writers?

Wow talaga, ano itong nightmare na ito, sana nga isa lang masamang panaginip ito, paggising natin na lahat pala ay hindi totoo.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with