^

PSN Showbiz

Sarah, umaming malaki ang pinagbago ng buhay nang maging misis

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sarah, umaming malaki ang pinagbago ng buhay nang maging misis
Sarah
STAR/ File

Malaki na ang ipinagbago ng buhay ni Sarah Geronimo mula nang magkaroon ng asawa. Matatandaang nagpakasal ang singer at ang aktor na si Matteo Guidicelli noong February 20, 2020. “Siyem­pre, dumating na ako sa punto na hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko. Being a wife, I get the chance to spend most of my time with my husband. So I have to attend to his needs,” makahulugang pahayag ni Sarah.

Magandang pagkakataon din umano para sa mag-asawa ang pagpapatupad ng community quarantine sa Luzon dahil mas lalo pa nilang nakilala ang isa’t isa ngayon. “We’re given enough time to know each other better I think. Iyon ang pinaka-importante dahil nakakapag-adjust kami sa isa’t isa,” giit niya.

Isa sa mga pinagkakaabalahan nina Sarah at Matteo sa kanilang bahay ay ang pagkanta at pakikinig sa kanilang mga paboritong awitin. “We both share this passion for music kaya we’re happy to be part of the Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together concert na ang aim ay makalikom ng pondo para sa pamilyang apektado ng krisis ng covid-19,” pagbabahagi ng singer.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa panganib na dulot ng covid-19 pandemic ay mayroong pakiusap si Sarah sa mga tao. “Sa halip na nakatuon tayo sa mga negatibong bagay, gumawa po tayo ng paraan upang lalong mas mapaganda ang ating buhay. Kahit nasa loob lang tayo ng ating mga tahanan,” pagtatapos ng Popstar Royalty.

Kar-Jon, nagkakapikunan

Mapapanood na ngayon sa iWant ang Ampalaya Chronicles presents Labyu He He na pinagbibidahan nina Karina Bautista at Aljon Mendoza. Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ng tambalang Kar-Jon na unang nakilala sa Pinoy Big Brother noong isang taon. Maituturing na ang naturang anthology ang launching project ng tambalan nina Karina at Aljon. “First time po namin ito and para rin po sa mga suppor­ters namin. Magandang opportunity din po ito kasi lahat po ng tao halos nasa loob ng bahay and nakatutok sa cellphone. So mas may time sila na makapanood,” nakangiting pahayag ni Aljon.

Samantala, bilang magkaibigan ay nagkakaroon din ng mga hindi pagkakaunawaan sina Karina at Aljon. “Talagang hindi rin naman din po maiiwasan. Minsan po noon sa taping nagkaka-tampuhan din po kami. Kasi siyempre minsan puyat kayo, pagod kayo. So parang may times na pipitik ka na lang na hindi mo naman sinasadya,” kwento ni Karina.

“Hindi naman po mawawala ‘yung may times po na nagkakatampuhan po kami. May mga sagutan ng opinyon, nagkakapikunan pero nagkakaayos naman din po agad. May mag-sorry, kasi mahirap patagalin po dahil sa maliit na dahilan hahaba pa,” paliwanag naman ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with