Lovi at Zanjoe
Zanjoe may pa-wetpu kay Lovi
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2020 - 12:00am

May pa-puwet pala si Zanjoe Marudo sa iWant movie na Malaya. Yes, as in hindi raw ito nangiming magpakita ng wetpu sa mga maiinit nilang eksena ni Lovi Poe sa Malaya na kuwento ng pag-ibig na mahirap pakawalan sa isang original movie mula sa Glorious director na si Connie Macatuno, na napapanood na sa iWant at TFC.tv.

Partidang unang pagsasama lang ito nina Lovi at Zanjoe na kinunan sa Italy, kung saan libu-libong Pilipino ang nakatira, pero pareho raw bigay na bigay sa mga nagbabagang eksena ang dalawang bida. But anyway, hindi naman ito ang first time na nag-expose ng butt ang actor.

Susundan nito ang dalawang taong nakikipagsapalaran sa isang banyagang bansa – isang makabuluhang kwento tungkol at para sa overseas Filipinos na naghahangad ng mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.

Gaya ng nanay niyang nagtatrabaho sa bansa, pursigido si Malaya (Lovi) na tuparin ang mga pangarap niya para sa kanya at pamilya niya.

Sa una niyang trabaho, makikilala niya ang masipag at misteryosong si Iago (Zanjoe), at mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Kahit na tila itinadhana ang kanilang pagtatagpo, magdedesisyon silang pakawalan ang isa’t isa para sa kanilang pamilya at ambisyon.

Muling magkikita ang dalawa pagkalipas ng ilang taon. Ngunit sa pag-aakala ni Malaya na ito na ang tamang panahon para sa kanila, masamang balita ang hatid ni Iago dahil ikakasal na pala siya sa iba.

 

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with