Marian Rivera
STAR/ File
Marian bawal pa ring mag-alak
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2020 - 12:00am

Nagtataka ang netizens kung bakit tubig lang ang hawak ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa ipinost nitong picture ng date nila sa bahay ng asawa na si Dingdong Dantes kama-kailan. Sa Instagram post ay makikitang nagtsi-cheers ng kanilang iniinom ang dalawa at habang alak ang hawak ni Dingdong ay tubig naman ang kay Marian, “Cheers Mahal ko! Tubig na lang muna ko.”

Sa paliwanag ng Team Dantes sa kanilang website, ang pag-consume ng non-alcoholic beverage ni Marian ay dahil sa kasalukuyan niyang pagbe-breastfeed sa bunso nilang si Ziggy. “Marian is still breastfeeding her youngest Sixto. That is why she can’t drink any wine nor any drinks with alcohol in it.”

Matatandaang nakiisa rin si Marian sa selebrasyon ng World Day of Human Milk noong Mayo 19 sa pamamagitan ng pag-donate nito ng kanyang breast milk at paghikayat sa kapwa ‘Padede moms’ na ibahagi ang kanilang gatas sa mga higit na nanga-ngailangan.

Samantala, parang na-perfect na ni Marian ang cinamon roll. Ang yummy ng mga pino-post niya.

Magbabalik-telebisyon nga pala si Marian sa First Yaya kasama si Gabby Concepcion.

Himig desperada na Alessandra sa Diyos na lang iniaasa ang buhay

May himig ng desperation ang tweet ni Alessandra de Rossi kahapon. “All we have is here and now. Wala akong nakikitang future sa ngayon, it’s blurry. Dedma na rin ako sa past. It’s done and gone now. My only goal is stay alive and keep everyone alive... And bahala na si Lord. One day at a time nalang talaga.”

May tweet pa siyang “As the president and image model of this universe.... Gusto ko lang sabihin na..... HINDI PA TAYO HANDA. And i thank you!”

Feeling ng ibang followers ni Alessandra ay nagpipigil ito sa kanyang opinion tungkol sa nangyayari sa paligid sa kasalukuyan.

Sinasabi kasi ng Malacañang na handa na ang NCR para sa General Community Quarantine sa June 1, pero kahapon ay 539 ang bagong kaso ng may coronavirus sa bansa kaya umabot na ito sa 15,588.

Anyway, may natapos na pelikula si Alessandra with Piolo Pascual, ang Fuffy and Fream, pero wala pang nakakaalam kung kailan puwedeng magbukas ang mga sinehan.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with