^

PSN Showbiz

Liza nakiusap na rin na ‘wag siyang tanggalan ng trabaho

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Liza nakiusap na rin na �wag siyang tanggalan ng trabaho
Liza Soberano
STAR/ File

Nakikiusap na rin si Liza Soberano na sana ay wag siyang mawalan ng trabaho at ma-renew na ang ABS-CBN franchise. Aminado si Liza na isa siya maraming artistang nagka-career sa network sa ngayon nga ay masalimuot ang kinakaharap na issue sa kanilang franchise renewal.

“I believe that, ABS-CBN, the senate and the congress are all doing their best para maayos ang lahat ng tamang paraan at tamang proseso. Naniniwala ako na kung may pagkakamali o pagkukulang man ang aming istasyon sinisikap po ng aming leaders na maisaayos po ang lahat. That same as our government official are doing their part.

“I am one of the many actresses that has been given the chance (by ABS-CBN) to make something out of my life at lahat yun nangyari dahil sa opportunity. Kaya kung mabibigayan ulit ang ABS-CBN ng opportunity to continue serving in the best way it can --- by fully operating, I’m sure maraming empleyado, katulad ko, ang magiging masaya.

“Walang mawawalan ng trabaho, mas marami ang mabibigyan ng tulong, mas mara-ming mare-reach, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kasi, if there is one thing that ABS-CBN and the government have in common, yun ang serbisyong makakatulong sa bawat Pilipino. To our dear lawmakers, may I humbly ask, please renew the ABS-CBN franchise,” ang bahagi ng post ni Liza na alam mong talagang pinag-isipan at iningatan niya.

Though nagpo-post ang girlfriend ni Enrique Gil na dating Darna ng #LabanKapamilya photos pero first time niyang nakiusap sa congress and senate na sana ay ma-renew na ang franchise nila para makabalik na sa ere ang network na nagsimulang mag-off the air noong May 5 pa.

Wala pang kasiguruhan kung kailan nga makakabalik sa ere ang Kapamilya network dahil pinagde-debatehan pa rin sa Congress kung renewal o new franchise ba ang ibibigay sa network na ibig sabihin ay wala rin munang career ang maraming artista nila.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with