^

PSN Showbiz

Willie hindi nakisali sa biro ni Sec. Roque sa ABS-CBN closure

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Willie hindi nakisali sa biro ni Sec. Roque sa ABS-CBN closure
Willie Revilliame
STAR/ File

Sa marespetong paraan ay sinabi ni Willie na huwag na siyang idamay pa sa ganu’ng usapin dahil nanggaling din siya sa network na humaharap sa matinding problema ngayon.

‘Yun si Willie Revillame, marunong siyang tumanaw ng utang na loob, hindi siya nagbabasag ng pinggang kinainan niya dahil sa ABS-CBN nagsimula ang Wowowee na humila sa kanya sa kaitaasan ng popularidad.

Madalas kaming mag-usap tungkol sa naganap sa ABS-CBN. Nalulungkot siya. Ganu’n naman talaga kapag naging bahagi na ng buhay at karera mo ang isang kumpanya.

Maraming sumaludo kay Willie Revillame sa kanyang ginawa, dapat lang namang hindi tayo masaya sa kabiguan ng iba, nandu’n pa rin tayo o nasa ibang bakuran na.

Gusto naming palakpakan ang naging sagot ni Willie Revillame nang ungkatin ng panauhin niyang si Presidential Spokesman Harry Roque

Mahusay na aktor hirap sa  pagbebenta ng mga naipong gadget!

Nagbebenta na ngayon ng kanyang magagarang gadgets ang isang kilalang mahusay na aktor. Hindi niya inasahan ang ganitong pagkakataon na hahagulgol ang kanyang bulsa sa kawalan ng trabaho.

Maraming perso-nalidad na nawindang sa lockdown, ang kaunting naiipon nila ay sumayad na, hindi na kayang bumuhay ng pamilya, kailangan na nilang magdiskarga ng mga kagamitan para maging normal ang ikot ng kanilang buhay.

Isa ang kilalang male personality na ito na mahilig sa magagarang kagamitan sa mga tinamaan ng hirap ng buhay ngayon. Marami siyang gadgets na hindi niya naman nagagamit ang iba.

Kuwento ng aming source, “Ang talagang hilig lang niya, e, pagbili ng mga gadgets at magpaayos ng mga sasakyan niya.

“Wala siyang hilig sa ibang bagay, umiikot lang ang buhay niya kapag libre siya sa work sa mga shop at pagawaan ng kotse.

“Napakarami niyang binibiling gadgets na sobra-sobra sa mga kailangan niya, nakatengga lang ang mga ‘yun, huwag lang siya mahuli sa kung ano ang uso.

“Kaso, nagkaroon ng lockdown, wala pang kasiguruhan kung kailan siya magkakatrabaho, kasi nga, apektado rin siya sa nangyari sa network na madalas kumuha sa kanya sa mga serye.

“Paano na ang pamilya niya? Natural, kailangan niyang gumawa ng paraan, hindi niya naman puwedeng ipaluto at ipakain sa mga anak niya ang mga mamahalin niyang gadgets.

“Nagdidiskarga na siya ngayon ng mga kagamitan niya, iniaalok niya ‘yun ngayon sa mga kasamahan at kaibigan niyang kapareho rin niyang mahilig sa kung anu-anong mamahaling kagamitan.

“May ibinebenta siyang mga computer, cellphone, mga car accessories na bagung-bago pa, naka-wrap pa, mura lang niyang ibinebenta ang mga ‘yun ngayon!

“Pahirapan lang, dahil tulad niya, e, problemado rin ang mga co-stars niya sa lockdown at kawalan ng work. Matumal ang bentahan,” kuwento ng aming source.

Matinding leksiyon ang kakambal ng paglaganap ng salot sa buong mundo, walang may gusto sa nangyayari ngayon, pero problemang pinansiyal ang naging dulot ng virus.

Pahabol ng aming kausap, “Siguro naman, e, matututo nang mag-ipon ngayon ang male personality na ‘yun! Tatantanan na niya ang pagbili ng mga gadgets na hindi niya naman pinakikinabangan!

“Hindi siya mananalo sa ganu’n, tulad ngayon, puro palabas ang pera niya pero wala namang pumapasok. Paano siya mananalo?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris kailangang mag-ingat sa gamot

Nakakaawa naman si Kris Aquino sa mga pinakahuling larawang inilabas niya sa social media. Magang-maga ang kanyang mga mata dahil nagkamali raw siya ng ininom na gamot sa kanyang allergy.

Napakasensitibo pa naman ng sistema ni Kris, makaamoy nga lang siya ng kung ano ay inaatake na siya ng allergy, hindi rin siya puwedeng magpunta sa garden dahil sa mga lumilipad na pollen na magpapahirap din sa kanya.

Sa tagal na ng mga iniinom niyang gamot ay kailangang ingatan na ni Kris ang pagdampot ng kung ano ang kailangan niya. Wala kasi siyang kasamang yaya ngayon, siya lang ang nag-aasikaso sa kanyang sarili, pati kina Josh at Bimby.

Kailangang maging handa siya sa mga pagkakataong walang mamamahala sa mga pangangailangan niya. Kailangang maging independente na siya.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with