^

PSN Showbiz

Mccoy handang tumulong sa gumawa ng law of cr!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mccoy handang tumulong sa gumawa ng law of cr!
Mccoy
STAR/ File

Nasa kongreso at dinidinig na ang isyu ng franchise ng ABS-CBN 2, kung anu-anong drama pang naglalabasan sa social media para sakyan ang isyung ito ng na-shutdown na TV network.

May lumabas kasing post na kung saan na-quote ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon na ikinumpara ang ABS-CBN 2 sa kubeta.

Kung may ‘Law of Classroom’ si Kim Chiu, meron ding ‘Law of CR’ sa post na iyun ni McCoy.

Marami ang nag-react at inalipusta si McCoy sa nasabing post.

Pinabulaanan ito ng aktor dahil gawa-gawa lang pala ito ng isang poser. Kaya nag-post si McCoy sa kanyang Facebook account ng mensahe sa kung sino man ang gumawa nito.

Hindi raw siya galit sa kung sino man ang gumawa. Gusto lang daw niyang magkausap sila at baka meron daw siyang maitulong.

Sabi ni McCoy sa kanyang FB account; “Pwede mo ko makausap dito sa sarili kong account, i-message mo lang ako (Instagram & Twitter: @hashtag_mccoydl ).

“Hindi ako ma-social media na tao pero para sayo handa ako makikipag usap kahit ano mang oras. Tutulungan kita pati ang pamilya mo dahil alam ko sa panahon ngayon maraming taong naghahanap ng pagkakakitaan, atensyon at tulong.

“Kung nababasa mo man to, bukal sa puso ko ang tumulong mag-aantay ako.”

Carla at Tom sinubukan ng quarantine ang relasyon

Si Carla Abellana ang isa rin sa hindi nakaligtas sa mga basher at mahinahon niyang sinagot ang isa rito na inalipusta siya nang husto pagkatapos na-shutdown ang ABS-CBN 2.

Iniintindi na lang daw niya, at baka nga may pinagdaanan na lang daw ang taong ito.

“Hindi naman po maiiwasan yan. Whether there is a pandemic o wala, the bashers will always be there.

“Kung tutuusin, medyo sanay na nga po kaming mga artist sa mga masasakit na salita na ganun.

“In a way, naiintindihan ko naman po. Sinusubukan ko na lang isipin na baka may pinagdadaanan talaga itong taong ito o naghahanap lang talaga ng atensyon.

“Kapag ganun po, huwag na lang po talagang magpapaapekto. Huwag na lang personalin para hindi kayo affected,” saad ni Carla nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

Malaking bagay daw iyung kalmado ka lang at huwag padadala sa init ng ulo, kaya naha-handle daw nila ito sa relasyon nila ni Tom Ro-driguez na hindi maiwasang may mga misunderstanding daw sila dahil may pressure sa pagka-ECQ natin ng matagal.

“Na-test po namin yung isa’t-isa,” pakli ng Kapuso actress. Honestly, may mga times po talaga na hindi kami nagkakasundo. Pero dala na rin siguro ng anxiety, ng stress ng dahil sa quarantine.

“Kasi sa case po namin ni Tom, wala po
kaming kasambahay. Wala kaming kahit na sinong kasama sa bahay. So, talagang kami lang po ang gumagawa ng gawaing-bahay.

“Siyempre, napapagod po kami, mainit ang ulo. Minsan hindi nagkakasundo, Pero na-test po namin ang isa’t isa. So we can say na mas tumibay po yung relationship namin,” dagdag niyang pahayag.

Nakahanda na si Carla na bumalik sa trabaho, dahil may nakabinbin pa siyang drama series,  itong Love of My Life.

Aware daw siya sa mga guidelines at protocol na kailangang sundin, pero hindi maiwasang may takot pa rin daw dahil posibleng mahawa ka pa rin nitong nakakatakot na virus.

“Aaminin ko po, siyempre may takot pa po kasi wala pa naman pong bakuna. Lahat tayo prone. Lahat tayo…walang pinipili. Lahat po puwedeng magka-COVID 19. Nakakatakot po, pero siyempre lahat po gustung-gusto na magtrabaho,” pahayag ni Carla.

Habang naka-quarantine pa rin, nai-enjoy naman daw niya ang pag-aalaga sa apat niyang aso. Salitan daw sila ni Tom sa pagpapakain, pagpapaligo at mabuti na lang hilig din daw ni Tom ang mag-alaga ng pets, lalo na ang mga aso. Active rin si Carla sa iba’t bang campaigns ng Philippine Animal Welfare Society na kung saan miyembro siya nito.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with