^

PSN Showbiz

Heart inamin ang nararanasang anxieties at depression

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart inamin ang nararanasang anxieties at depression
Heart

Ibinahagi ni Heart Evangelista ang mga nararanasang anxieties at depression bunsod ng mga pinagdadaanan sa personal niyang buhay sa naging online chikahan nila ni Jessica Soho sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Tagos nga sa puso ang mga chika ng Queen of Creative Collaborations. Aniya, “Without me knowing, ‘yung pressure ng social media, iyong pressure ng tao, dapat lagi kang maganda, kailangan lagi kang nauuna. Although hindi naman ako super ganoon, siguro subconsciously minsan, ‘pag may mga nasasabi tungkol sa ‘yo, akala mo hindi ka naapektuhan, but then it affects you. And, nagpa-pile up siya,” banggit ni Heart kay Jessica.

May mensahe rin si Heart sa mga humuhusga sa kanya, “In fact, gusto ko siyang pag-usapan kasi porke’t nakikita nilang maganda ‘yung suot mo, mahal ‘yung bag mo, you’re living the life, feeling nila okay ka lang saktan. Feeling nila perpekto ‘yung buhay ko, na sa akin na ang lahat, it’s not.”

Ngayon ay patuloy pa rin ang pangangalap ni Heart ng tulong para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic. Sa kanyang free time naman ay inaaliw ni Heart ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos at vlog. Tuloy din ang kanyang pagpipinta.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with