^

PSN Showbiz

#Ibalik ang ABSCBN, nag-trending

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
#Ibalik ang ABSCBN, nag-trending
Carlo Katigbak
STAR/ File

Speaking of hearing yesterday, maraming nagulat sa sinabi ni Cong. Rodante Marcoleta na against the law daw ang pag-o-operate ng ABS-CBN ng more than 50 years na.

Kaya naman biglang lumutang ang GMA 7 logo na may 70 dahil magse-celebrate nga ito ng 70th anniversary.

Sa naturang hearing pa rin, nilinaw ng presidente ng ABS-CBN na si Mr. Carlo Katigbak sa harap ng Kongreso na kung wala silang nilabag na batas ay inosente sila sa lahat ng akusasyon. “The law is the law. And under the law, we are innocent unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws,” saad niya sa kanyang opening statement sa Kongreso.

Inulit din niya ang sinabi ng mga kawani ng gobyerno noong Pebrero sa Senate hearing. “Sabi po ng BIR, bayad ang aming buwis. Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR. Ang Department of Justice ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO. Ang DOLE naman ay nagsabi na sumunod kami sa lahat ng compliance orders nila,” pagdidiin niya pa.

Kaya nga parang naging paulit-ulit lamang ang alegasyon ni Rep. Marcoleta (na sa kanyang opening statement ay ginamit pa ang ‘classroom’ statement ni Kim Chiu at ang video nina Vice Ganda and Pastor Quiboloy), gayung nasagot naman ang lahat na ito sa Senado at nabigyang linaw na rin.

Sinabi naman ng house committee on legislative franchises co-chair na si Rep. Jose Sy Alvarado na magiging patas sila at bibigyan nila ng oras pakinggan ang bawat panig. “Hindi mabu-bully ang joint committee na ito. Magiging patas at objective ang joint committee na ito.”

Sa darating na Lunes (Hunyo 1) nakatakda ang susunod na hearing ng prangkisa ng network.

Nagtrending naman sa social media ang hashtag na #IBALIKANGABSCBN sa kasagsagan ng hearing. Hiling ng netizens na sana agad na ma-aprubahan ang prangkisa ng network.

Dahil kung wala naman nilabag na batas ang ABS-CBN, bakit hindi pa ma-aprubahan ang kanilang prangkisa at hayaan sila muling makapagbigay serbisyo kagaya ng kanilang ginagawa sa loob ng 65 taon?”

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with