Eula
STAR/ File
Eula, sinusubukang mabawasan ang katarayan
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2020 - 12:00am

Aminado si Ruffa Gutierrez na talagang nakaramdam siya ng takot nang malamang makakasama si Eula Valdes sa teleseryeng Love Thy Woman. Marami na raw kasing nababalitaan ang aktres tungkol sa pagiging mataray diumano ni Eula. “Talagang takot na takot ako. The first time that actually nag-taping, talagang takot na takot ako. Kasi everybody was saying talagang napakahusay and at the same time mataray sa set. May mga nagsasabing gano’n,” pagtatapat ni Ruffa.

Ayon naman kay Eula ay madalas talaga siyang napagkakalamang mataray ng mga kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang itsura. “Ang dami kasi talagang natatakot sa akin. Unang kita pa lang nila sa akin, nai-intimidate sila. Siguro ‘yung mata ko, mataray kasi talaga ‘yung mata ko. Kaya pinapabilog ko iyan para hindi masyadong magmukhang mataray,” paglilinaw ni Eula.

Dj Loonyo, malaki ang respeto kay Kim

Kinontak ni Kim Chiu si DJ Loonyo upang magpagawa sa online dancing sensation ng steps para sa kantang ‘Bawal Lumabas’ ng dalaga. Kahit maraming netizens na  ang nakagawa ng dance challenge ay natuklasan ng aktres na personal na desisyon ng binata na huwag itong gawin. “Nakita ko sa mga videos niya, sabi niya hindi niya gagawin ‘yung ‘Bawal Lumabas’ na dance challenge dahil respeto daw sa kapwa artist. Natuwa ako dahil ang respeto hindi mo mahahanap ‘yan sa mga panahon ngayon. So I am thankful sa response niya no’ng time na ‘yon. At dahil diyan binibigyan ko na siya ng approval na, ‘Oy! Pwede mo nang gawin,’ because it is now an official song,” kwento ni Kim.

Hindi naman nagdalawang-isip si DJ Loonyo na paunlakan ang kahilingan ng aktres. Agad na ginawan ng steps ng binata at mga kasamahan na kasalukuyang nasa China ng dance steps ang kanta ni Kim. “Kasi ako personally, kaya no’ng nag-story ka, na parang nag-invite ka na you want an OG steps, kumbaga I want to do it kasi I want to be a part of your movement na that’s really inspiring. Na from that point or situation in your life, na ako talagang nakakaintindi ako no’n na parang ang hirap ibangon no’n. Parang one snap buong Pilipinas nakalimutan kung ano ang mga tamang ginawa mo sa buong buhay mo because they focused on that mistake. And after days or week, bumangon ka na lang bigla. You came back stronger. Sabi ko it’s really inspiring, lalo na ngayon na ang daming nalulugmok. Ang daming taong nada-down dahil sa nangyayari. So might as well take your energy kung paano ka bumangon, ‘di ba,” nakangiting pahayag ni DJ Loonyo.

Mapapanood kung paano binuo ni DJ Loonyo ang dance steps sa sarili nitong YouTube channel. Sa YouTube channel naman ni Kim mapapanood ang naging pag-uusap ng dalawa at kung paano nila sinayaw ang ‘Bawal Lumabas.’ (Reports from JCC)

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with