^
AiAi, super trending nang pintasan si Lee Min-Ho
AiAi

AiAi, super trending nang pintasan si Lee Min-Ho

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2020 - 12:00am

Kinuyog ng K-drama fanatics si AiAi delas Alas kahapon pagkatapos niyang pintasan ang latest project ni Lee Min-ho na The King.

Wow. Talagang number 1 sa Philippines trends sa twitter si AiAi.

Disabled na rin ang comment section niya sa kanyang IG post.

Ito ang buong post ni AiAi : “THE KING .. sa netflix kung hindi lang si leemin ho ang bida nito d ako mag tyatyagang bigyan to ng chance pero sorry hindi kagandahan itong palabas na to para sa aking panlasa.. masyado ako dis appointed ... hindi mo maintindihan ang flow ng korean novela na to .. science fiction, ? Action? Love story? Ano ba talaga panalo lang to para sa kanila sa dami ng intrusion .. fastfood chain, coffee, energy drink, lipstick , makeup lahat na ata ng klase pero sana mas inisip nila yung ganda ng story bago yung kita.. pero nabasa ko sa google magaling ang scriptwriter nito Kim Eun-sook, the scriptwriter behind several major hit Korean TV dramas, including tvN’s “Guardian” and “Mr. Sunshine” (2018) and KBS2’s “Descendants of the Sun” (2016), as well as “The Heirs” (2013) starring Lee, is in charge of the script for “The King.”( sya ang sumulat ang tanong ANYARE???) talagang hindi ako maka relate ., hindi ako makakapit sa story .. na compare ko sya tuloy sa ITAEWON CLASS simple pero aabangan mo eto 5 chances na nabigay ko para ayoko na talaga .. mag tataka ako bakit sya number 2 sa trending .. hayz ang lungkot sorry idol kita maga-ling ka pa din actor pero yung flow ng story waley talaga .. @actorleeminho,” comment ni AiAi na obviously ay naging abala rin sa panonood ng K-drama sa Netflix habang lockdown.

Well, kanya-kanya ng appreciation ang lahat sa kanilang pinano-nood at siguro ‘yun ang naging analysis ni Ms. Ai sa The King na kakaiba nga sa mga naunang drama ng sikat na Korean actor.

Tinawag pang ‘great critizer’ si AiAi na para raw namang critically acclaimed, ang mga pelikula niya.

Iba rin ang fans ni Lee Min-ho / K-drama. Active sila dahil babad sa no. 1 spot ang pangalan ni Ms. Ai dahil sa nasabing post.

 

AIAI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with