^

PSN Showbiz

Darren nakaipon ng half million sa concert

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Darren nakaipon ng half million sa concert
Darren

Bongga ang online birthday concert ni Darren Espanto na pinamagatang D’ Birthday Concert (From Home) na napanood sa kanyang official Facebook account nung nakaraang Linggo ng gabi.

Live from Canada ang online concert ni Darren, at special guests  sina Gary Valenciano at Moira dela Torre.

Binigyan pa siya ng birthday greetings ng mga taong malapit sa kanya, mga Kapamilya artists at pati si Mavy Legaspi ay kilig-kiligan ang birthday message sa 19-year old singer.

Sa live concert ay halos 12 thousand views ito. Nakalikom pa sila ng mahigit kalahating milyong piso na donasyon, at mukhang pataas pa nang pataas.

Napatunayan talaga ni Darren na malakas talaga siya sa fans, kahit sinasabing may ‘donor fatigue’ na, malaki pa rin ang nalikom na donasyon.

Sa Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN 2 mapupunta ang donasyong nalikom sa D’Birthday Concert (From Home) ni Darren.

Samantala, kahapon naman ay nagpa-online concert din sa Bayanihan Musikahan  ang comedienne at singer na si Fe delos Reyes.

Hindi ganun karami ang views, pero nakalikom siya ng mahigit one thousand US dollars, kaya nag-enjoy na rin siya at tinodo ang performance nito.

Kagabi naman ay tampok sina Kyline Alcantara, Kristofer Martin, at ang taga-The Clash na sina Golden Canedo at Garret Bolden.

Lockdown kabadingan series, bumenta sa abroad

Nagsimula na nung nakaraang linggo ang Pinoy Boys Love series na prinodyus ng The IdeaFirst Company nina direk Jun Lana at Perci Intalan.

May temang kabadingan ang BL series na ang unang ser-yeng sinimulan nila ay Gameboys na pinagbidahan ng batang indie actors na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Ang daming natuwa sa pilot episode nilang Pass or Play na kung saan naglalandian pa lang muna online sina Elijah at Kokoy.

Maiksi lang ang first episode kaya nabitin ang mga nakapanood na kaagad pinag-usapan ng mga kabadingan, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

Ilang oras lang pagkatapos naere, kaagad na may mga nag-subtitles na sa salitang English, French, Spanish, Italian at Portuguese.

Kaya tuwang-tuwa sina direk Perci at direk Jun sa magandang feedback at kaagad minamadali na sila sa second episode.

“Honestly, dahil sa hirap ng shoot ng first episode, marami kaming natutunan. Malamang na marami pa kaming challenges na dadaanan.

“Kasi nga, hindi normal na production ito. Basta ang importante, magawa nang tama iyung pagkukuwento.

“I think, iyun ang secret kaya mabilis kumapit ang tao,” pakli ni direk Perci nang nakapanayam ni Jerry Olea para sa PEP Troika.

Kahit sina Kokoy at Elijah ay kinukulit na rin ng followers nila na isunod na agad ang episode 2.

Medyo nahirapan daw talaga sila sa shoot nito dahil kailangan ang social distancing.

Kaya ang tinatanong ng mga nakapanood, kailan magkikita ang dalawang bida?

Tatakbo muna ang kuwento na nagtsa-chat lang sila at kaya walang contact at hindi pa sila naghaharap sa shoot.

Kaya abangan ang susunod na takbo ng kuwento at kung kailan sila maghaharap.

Parang nabalik nga ang pinauso rati ng Kalyeserye na matagal bago pinagtagpo sina Alden Richards at Maine Mendoza.

 

vuukle comment

DARREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with