Heart Evangelista
STAR/ File
Heart na-fake news sa pagbubuntis
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

Fake news ang kumalat na chikang buntis si Heart Evangelista.

Mabilis niya itong kinorek kahapon. “I am not pregnant ... fake news .thank you for all your wishes but I am not ... I’d like to set the record straight . It is a sensitive topic for me . Thank you,” tweet niya.

Nauna na siyang nag-tweet ng : “Nobody has the right to crush your happiness just because they want to or just because they can. At the end of this whole journey of what we call life ... what did you do that made someone’s heart smile? Just a thought. good night ,” sabi niya pa bago sinagot ang issue sa umano’y pagbubuntis niya.

Alam nang para sa bashers ang mga nasabing tweet niya na pangontra na sa virus ang mga dini-display na outfit of the day sa kanyang social media account.

Matagal bago naka-recover emotionally si Heart nang magkaroon siya ng miscarriage sa magiging kambal na panganay sana nila ng asawang si former senator now Governor Chiz Escudero.

Magkahiwalay sila ngayong community quarantine dahil sa Bicol inabutan ang mister habang siya ay nandito sa Manila kasama ang kambal na anak ng asawa sa dating misis.

Rustica Carpio, kino-consider na pui

Ninety years old na pala ang vete­ran actress na si Rustica Carpio and former Dean of College of Mass Communication ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Treated siya ngayon as PUI (person under investigation) for covid-19 sa isang hospital dahil sa on and off niyang ubo at back pain.

Hindi allowed ang kamag-anak   sa hospital kaya sa bahay nila diniretso ang financial help for Dean Carpio ng ilang college batchmates ko kahapon.

Paggaling ka agad Ma’am Rustica.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with