Pokwang
STAR/ File
Pokwang inaway-away ang kapit-bahay
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

Masigasig at hindi tumitigil sa kampanya ang mga taga-ABS-CBN 2 ng kanilang ‘Laban Kapamilya’ na kung saan nagpu-post sila ng kuha nilang nakatikom ang palad na nasa dibdib nila.

May bagong art card na naman sila ngayon na ipinu-post sa kanilang social media account na Kapit-Bisig Kapamilya na may tatlong kamay na magkahawak at kakulay ng kanilang logo.

Napaka-active din nila sa pagbigay ng update sa kanilang Pantawid ng Pag-ibig program na kahit nakasara pa ito, patuloy pa rin sila sa paglikom ng donasyon na ipinaparating na tulong sa mga naapektuhan ng pandemyang ito.

Nag-update si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account na mahigit P400M na raw ang nalikom ng Pantawid ng Pag-ibig program at patuloy pa rin sa pamamahagi ng tulong sa kabila ng pinagdaanan nito.

Si Pokwang naman ay nag-emote sa kanyang Facebook account na galit sa dati niyang kapitbahay na nag-comment daw sa FB post ng kapatid niya na mabuting isara na lang daw ang ABS-CBN 2. Galit na galit ang komedyante na nag-post ng napakahabang hanash sa kanyang FB account

Kapitbahay nga raw niya ito dati na hindi man lang daw makapagbigay sa kanila ng tubig noon. Patuloy na emote ni Pokwang: “Hindi li­ngid sa inyo ang buhay ko noong bata pa kami.

“Tapos ngayon, gumanda ang buhay ko dahil ‘di ko naman kasalanan na pinagpala ako ni God at sinagot mga dasal ko habang nagtitinda ako sa simbahan ng Antipolo araw-araw sa Mahal na Birhen at talent ko, at ABS-CBN ang naging sagot sa dasal ko!

“Umangat kami, gumanda ang buhay, nakaalis kami sa lugar na ‘di ko pinangarap doon lumaki at magkaisip ang mga anak ko dahil hindi magandang ehem­plo ang mga makikita nila — inuman sa umaga, kumpulan para magsiraan sa kapitbahay, awayan sa araw at gabi at mga drug addict at mga manyakis na kapitbahay!

“so, ngayon, gusto mo maipasara ang abs-cbn kasi ‘di nyo matanggap na yung dati pinagmamaramutan nyo ng tubig e nakakapag mineral water na ngayon?????

“malinaw na malinaw na isa sa dahilan na nais nyong maipasara ang network dahil sa inggit!!

“oo inggit!!! isa sa pinakamasamang ugali at kasalanan sa dios!! my god!!!”

Si Kim Chiu naman ay muling humingi ng tulong sa kanyang mga ‘classmates’ na pumirma sa kanilang petisyon na mabuksan muli ang ABS-CBN 2.

Samantala, ilang mambabatas na ang nakausap namin at sinasabing sana manahimik na lang muna ang mga Kapamilya stars, dahil legal na usapin na ito.

Dinidinig na ang application ng kanilang franchise at mas mabuting ang legal team na lang daw muna nila ang magsalita.

Baka hindi pa raw makatulong ito sa pagdinig ng kaso, lalo na kapag dumating na sa puntong pipirmahan na ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanilang franchise.

Sabi nga ni Jobert Sucaldito nang nakatsikahan namin sa DZRH nu’ng nakaraang Biyernes, wala naman daw magagawa ang ilang milyong pirma sa kanilang petisyon dahil isa lang naman ang kailangang pirma diyan, ang sa presidente.

Dagdag pa niyang pahayag, “manahimik na lang muna for the meantime. Handle it properly. Handle it legally, yung maayos.”

Baguhang aktor dedma sa paglalandi ng kontrobersiyal aktres na kababayan

Biglang natakot ang isang baguhang aktor nang nakipag-chat sa kanya ang kontrobersyal na aktres.

Pareho kasi sila ng probinsya at minsan ay nagkita sila sa isang pagtitipon sa kanilang probinsya.

Guwapo at hunk na hunk si baguhang aktor at puwedeng mataypan siya nitong aktres.

Nag-friend request daw si aktres sa kanya sa Facebook at in-accept naman ni baguhang aktor.

Pero bandang huli, nakipag-chat na ito sa kanya na parang may halo nang paglalandi.

Nagduda tuloy si baguhang aktor kung kay aktres ba talaga itong account. Nakumpirma naman niyang kanya talaga, pero sa halip na matuwa ay takot ang naramdaman ni aktor dahil alam niyang kagagaling lang nito sa isang malaking kontrobersya at may bagong boyfriend na ito ngayon, bakit nakipaglandian na ito sa kanya.

Kaya hindi na raw niya sinagot at dedma na siya sa mga mensahe ni kontrobersyal aktres na tila type lang daw nitong makipaglandian.

OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with