Matteo
STAR/ File
Matteo, hindi makalimutan ang ginawang training
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2020 - 12:00am

Napapanood na ngayon sa iWant ang Ranger G kung saan tampok si Matteo Guidicelli. Matutunghayan sa naturang documentary ang lahat ng naging karanasan ng aktor nang sumailalim sa military training noong isang taon.

Ayon kay Matteo ay hindi naging madali ang naging proseso upang makagawa ng isang makabuluhang proyekto kasabay ng kanyang training.

“At first they were kind of hesitant about it because there were a lot of things during the military training that’s not allowed to be seen by civilians in the outside world.  So there were discussions and meetings and eventually they said this could be a good opportunity to open doors to the world about the Philippine Army. Army is a very closed group. They don’t want people knowing what’s really happening inside but I think this is one of the first times that they opened the doors especially in training to show the people what’s the training all about. So eventually they agreed that we could shoot the documentary but in one condition, that they do not disturb the training and they have to respect several rules and everything that comes out and is show to the public has to be approved by them. It was an ama­zing experience,” pagbabahagi ni Matteo.

Inabot ng apatnapung araw ang training ng aktor sa kampo. Para kay Matteo ay mayroong magandang mensahe ang mga naranasan at ang kanyang pagiging military reservist ngayon.

“Military training is the best thing I’ve ever done in my life. These soldiers sacrifice their lives so much for our freedom and to protect us and they deserve so much more respect and love and opportunities. They devote and give their lives for the country,” paglalahad ng aktor.

Sylvia, tuloy pa rin ang pagpapahinga

Isa ang Pamilya Kowentuhan sa Online Kapamilya Shows na napapanood sa oks.abs-cbn.com tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-singko ng hapon. Kinabibilanganan ito ng mga bida ng teleseryeng Pamilya Ko na pinangungunahan nina Sylvia Sanchez at Joey Marquez. Kasama rin sa online show ang gumaganap bilang mga anak nina Sylvia at Joey sa serye na sina Maris Racal, Kiko Estrada, Mutya Orquia, Raikko Mateo, Kid Yambao, Jairus Aquino, Kira Balinger at JM de Guzman.

“Dito muna kami sa facebook account and sa oks. Dito muna tayo magkakamustahan para tuluy-tuloy ang kasiyahan,” nakangiting bungad ni Sylvia.

Matatandaang nagkaroon ng COVID-19 ang aktres at asawang si Art Atayde. Ngayon ay patuloy na nagpapahinga si Sylvia sa kanilang tahanan kasama ang kanyang buong pamilya.

“Ako, nagpapahinga pa rin, alam n’yo naman nagkasakit ako. Pero kapag lunch at dinner looking forward ako diyan everyday kasi nagkakasama kaming mag-iina, asawa ko, tapos nagkukuwentuhan,” pahayag ng aktres. (Reports from JCC)

MATTEO GUIDECCELI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with