^

PSN Showbiz

Pulis na namigay ng dolyares, kakaiba ang puso!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Pulis na namigay ng dolyares, kakaiba ang puso!
Kulang ng mga dokumento para mag-ikot ang rider, kinukuha ng pulis ang kanyang lisensiya, pero hindi niya maiabot-abot sa pulis.
STAR/ File

Gusto naming makilala ‘yung pulis na nagbigay ng isandaang dolyar sa isang rider. Sa mga panahong ito na ipit na ipit ang natitira pa nating halaga sa bulsa ay nakatataba ng pusong malaman na may tao pa ring handang mag-abot ng tulong sa kanyang kapwa.

Kulang ng mga dokumento para mag-ikot ang rider, kinukuha ng pulis ang kanyang lisensiya, pero hindi niya maiabot-abot sa pulis.

Napaluha ang rider, sinabi niya sa pulis na mahihirapan siyang tubusin ang kanyang lisensiya, sinasamantala lang niya ang pagkakataon para makapagtrabaho para sa kanyang pangmatrikula.

Naramdaman ng pulis ang sinseridad na rider, kaya sa halip na kunin nito ang lisensiya ng kanyang hinuli ay dumukot ito ng pera sa kanyang wallet, saka iniabot sa lumuluhang rider.

“Matagal na sa wallet ko ‘yung one hundred dollars, hindi ko lang ginagastos. Naawa kasi ako sa rider, nag-aaral pala siya, nag-iipon pala siya ng pang-tuition fee niya,” sabi ng pulis na may magandang kalooban.

Hindi rin alam ng rider na dolyar ang iniabot ng pulis, kaya laking-gulat niya nang makita ang isandaang dolyar, napaluha na naman siya dahil limang libong piso ang katumbas nu’n sa ating pera.

Nakakatuwa lang na sa mga panahong ito na napakahirap ng buhay lalo na ng mga kababayan nating manggagawa na hindi makapagtrabaho dahil bawal ay may mga puso pa ring marunong umunawa at tumulong.

May itsura ang pulis, maging ang rider, malaki pa nga ang pagkakahawig nila.

Willie hindi napahinga

Bumalik sa Puerto Galera nu’ng Sabado nang umaga si Willie Revillame at ang kanyang staff para mamahagi ng ayuda sa mga tagaroon lalo na sa mga katutubong Mangyan.

Mahigit na isang buwan nang umeere ang Tutok To Win na napakaraming kababayan natin ang nabibiyayaan. Wala silang ibang dapat gawin kundi ang magparehistro lang sa account ng Wowowin para matawagan sila ni Willie.

Iba-ibang reaksiyon ang maririnig kapag may nakokontak si Willie. May bigla na lang sumisigaw, may umiiyak, meron ding nakapagmura kay Willie dahil ang akala ng kausap niya ay nangloloko lang ang nasa kabilang linya.

Kadalasan ay limang libong piso ang ibinibigay niya sa televiewer, pero kapag naramdaman ni Willie na higit pa sa halagang ‘yun ang kailangan ng kanyang kausap ay nagdadagdag pa siya, ginagawa niyang sampung libo ang premyo.

Sa pamamagitan ng kanyang sponsors na Shopee ay namamahagi rin ang kanyang programa nang limampung libong piso araw-araw.

Aba, sa panahong ito ay gintong maituturing ang singkuwenta mil, kaya ganu’n na lang ang kaligayahan ng mapapalad na nananalo.

“Pambili n’yo ng bigas, ng gamot, ng gatas ng mga anak n’yo. Malaking tulong sa atin ang halagang ito ngayong lockdown,” madalas sabihin ni Willie.

Nag-text sa amin si Vangie Caperal-Aleemi, kaibigan namin sa kolehiyo, na ilang dekada nang naninirahan sa Virginia, USA.

Itinuturing na gamot sa kalungkutan ni Vangie si Willie, paulit-ulit na pinanonood ni mommy ang Wowowin, may sentimyento ito na ipinaabot sa amin.

Sabi ni Vangie, “Napanood ni mommy ‘yung may tumawag ng boastful kay Willie. Mayabang daw, kasi, naka-suit pa sa show niya. Naku, galit na galit si mommy sa nagsabi nu’n!

“Ano raw ba ang gusto nila, ‘yung kung ano lang ang isuot ni Willie sa show niya? Hindi ba nila alam na respect ang pagsusuot ng formal? Naku, galit na galit ang mommy ko!” kuwento ng aming kaibigan.

At gusto lang po naming linawin na walang kahit anong social media account si Willie. Wala talaga. Kaya ‘yung mga naglalabasang retrato na parang ipinagyayabang niya ang magagara niyang sasakyan ay hindi sa kanya nanggagaling.

Puro posers lang ang naglalabas nu’n, kung sinu-sino lang, na siya tuloy ang pinagbibintangan. Kung nagkakagulo na ang buong mundo sa social media ay hindi apektado nu’n si Willie, tawag at text lang ang ginagawa niya para makipagkomunikasyon, ang programa lang niya ngayon ang napapanood sa You Tube, Facebook, Instagram at sa GMA-7 siyempre.

Lockdown na pero grabe pa rin ang kanyang meeting araw-araw. Kausap niya palagi ang mga boss ng GMA-7, may ka-meeting din siyang arkitekto, mga karpintero, talagang hindi siya dinisenyo para hindi gumalaw.

Kailangang produktibo ang kanyang maghapon, kaya naman ganu’n na lang ang pag-agos ng mga biyaya sa kanyang buhay at career, bonggang-bongga!

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with