Marlo at American Idol 2019 finalist na si Evelyn Cornier
STAR/ File
Marlo, pangarap makasali sa american idol
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2020 - 12:00am

Nagkaroon ng kolaborasyon si Marlo Mortel at ang American Idol 2019 finalist na si Evelyn Cornier. Mapapanood sa Youtube channel ni Marlo ang music video ng kantang Bones  na ginawa nilang dalawa ng dalaga.

Ayon kay Marlo ay hinihikayat din siyang sumali ni Evelyn sa American Idol sa susunod nitong season. “No’ng nabanggit ko sa kanya na super fan ako ng Idol, sabi niya subukan ko daw sumali kasi magandang experience raw ‘yon saka exposure. Susuportahan din daw niya ako ‘pag nag-audition ako. And dream ko din naman ‘yan, kaya in the future kapag nagka-papers ako,” pahayag ni Marlo.

Nagsisilbing inspirasyon para kay Marlo ang ilang mga international singing competition upang pagbutihin pa ang lahat ng kanyang mga ginagawa ngayon. “Ang American Idol ang nag-inspire sa akin na umenter sa showbiz? Naiisip ko na dati ‘yon, na sumali pero para sa akin malabo siya kasi nandito ako sa Pilipinas. Kaya dito na lang ako sumali sa mga singing reality shows noon. Before pa naman no’ng sumali ako sa TNT (Tawag ng Tanghalan), pangarap ko na makasali sa ganyan. Kaya kahit nasa GMA ako noon, umalis ako para mag-audition sa X-Factor, hanggang nagtuluy-tuloy na ako sa ABS-CBN. Super fan ako ng reality singing competitions,” pagbabahagi ng singer.

Yayo, back to work na!

Naging kontrobersyal ang mga mapangahas na eksenang ginawa nina Yayo Aguila at Royce Cabrera sa Cinemalaya film na Fuccbois noong isang taon. Ngayon ay mu­ling magkakasama ang dalawa sa online series na Small Talk mula sa TBA Studios.

Magbibida sina Yayo at Royce sa MILF episode para sa naturang digital series. Aminado ang aktres na excited siyang makatrabahong muli ang binata. “Excited ako to have done this with Royce and we really loved the concept. Happy ako kasi gamay na namin ang isa’t isa. So that was already to our advantage,” pahayag ni Yayo.

Ayon sa aktres ay talagang ibang-iba na ang proseso ngayon sa paggawa ng mga proyekto para sa TV and Film industry sa gitna ng covid-19 pandemic. “Having found out about the new guidelines, mixed emotions ako. Masaya kasi back to work pero ‘yung may feeling na ang hirap kasi it is so far and different from what we have been accustomed to. Tapos you can’t do more than one project na rin unlike the norm. Ang daming pros and cons pero what we can do, di ba? Mag-a-adjust talaga tayo kahit ayaw natin because life goes on,” paglalahad ng aktres.

Samantala, katulad ng ibang artista ay sumabak na rin ngayon si Yayo sa paggawa ng video blogs. Naiisipan daw itong simulan ng aktres upang maibsan ang pagkainip ngayong ipinatutupad pa rin sa Luzon ang community quarantine. “I’m starting a vlog to make use of the free time and be able to inspire women in particular. That even at this age, we can still achieve our goals and kind of catch up on what we have missed in life,” pagtatapos niya.   (Reports from JCC)

MARLO MORTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with