Kapamilya forever damang-dama ang kanta
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2020 - 12:00am

Gustong-gusto ko iyong collage ng mga singers ng Kapamilya network na kumakanta ng Kapamilya Forever ha.

Bongga dahil the biggest names in showbiz ang kumakanta, top of the line singers. Maganda ang lyrics at hymn nito kaya talagang masarap sa tainga. Very touching pa ngayon na meron silang ipinaglalaban.

Parang from the heart talaga ang pagkaka-awit nila. Kapamilya forever talaga.

Salamat sa mga nakaalala...

Buti na lang, Salve, wala pa tayong Take It... Per Minute! (Me Ganun) kundi ibabalik ko na naman ang alok-bati portion ko, hah hah.

Of course, nagpapasalamat ako sa lahat ng bumati at nagbigay sa akin ng food at cakes nu’ng birthday ko. At siyempre sa pamamagitan lang ng pagbati ko sila mapapasalamatan noh. Kung hindi nga lang hahaba masyado ang post ko sa IG at column ko rito sa PSN, dito ko sana balak gawin iyong pagbati pero nakakahiya naman sa followers and readers  ko noh.

Basta from the bottom of my heart, I am grateful forever especially for all the greetings. I will forever treasure it in my heart, promise.

I will never forget my pandemic birthday.

Marian at Dingdong laging may paraan para makatulong

Ang galing naman ng advocacy ni Marian Rivera na magbigay ng breast milk sa mga nanay na merong problema sa gatas para sa kanilang mga anak.

Sa panahon ngayon, talagang napakahirap ng infant formula, either out of stock, or iyon nga ang iba ay walang pambili. Pinaka-praktikal talaga ang breast milk ng mga nanay para sa kanilang mga anak, kaya naman tuluy-tuloy ang pagdo-donate ng milk sa babies na mas nangangailangan ng gatas ng ina.

Talagang napaka-generous nina Dingdong Dantes at Marian dahil lagi silang may naiisip na paraan para makatulong sa ibang tao.

A warm applause to Dingdong and Marian. 

KAPAMILYA FOREVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with