^

PSN Showbiz

NBI umaksiyon sa death threat kina Kim at Coco, Angel pinagbintangang supporter ng NPA

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
NBI umaksiyon sa death threat kina Kim at Coco, Angel pinagbintangang supporter ng NPA
Angel
STAR/ File

“Thank you NBI for reaching out. For now, ipag-pray ko muna tong mga taong to.

Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila. Pag umulit, hindi ko sila aatrasan :),” ang reply ni Angel Locsin sa pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na “If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed”  tungkol sa netizen na nagbantang papatayin sina Kim Chiu, Coco Martin and Angel nga kapalit ng P200 million.

Maalalang almost a week ago nang arestuhin ng NBI ang isang public high school teacher pagkatapos mag-post sa kanyang Twitter account na magbibigay siya ng P50-million reward sa sinumang makakapatay kay Pres. Duterte.

Nag-sorry ang nasabing teacher at sinabi niyang naghahanap lang siya ng attention.

Eh ang Twitter user na nagbanta kina Kim, Coco and Angel, ginamit ang GMA 7 at si Pres. Duterte.

May banta pa sa nasabing tweet na pasasabugin ang ABS-CBN compound.

May isa pang nagpakilalang seaman na sinabing NPA supporter si Angel kaya hindi diumano dapat paniwalaan ang mga sinabi nito.

Nagsumbong si Angel sa NBI though pabaklang approach : “Hello, NBI? Beke nemen po...” Na sinagot nga ng NBI.

NJ Abellanosa at Placido Dignos ang pangalan ng dalawa though hindi pa sure kung totoo nila yung pangalan.

Well, hindi naman ralaga dapat seryosohan dahil wala naman sa hitsura ng dalawang nag-tweet na may datung silang ganun. Saka sino namang maniniwalang NPA si Angel? Hahaha.

Julia tameme sa bashing kay Coco, Yassi nagsalita

Habang tahimik si Julia Montes tungkol kay Coco Martin, pinagtanggol naman ito ng noon pa ay nababalitang girlfriend ng actor na si Yassi Pressman sa walang katapusang bashing dito matapos ngang magpahayag ng saloobin sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Kung si Kim Chiu kasi ay na-handle ng maayos ang nangyaring panlalait sa kanyang classroom statement na as of yesterday ay more than 10 million views na ang kanyang classroom song, si Coco ay nanahimik na.

Si Kim, nagpasalamat pa sa mga natutunan niya sa nasabing pangyayari :

“Good morning classmates!!!.
More than 10 million views across social media platforms for BAWAL LUMABAS THE CLASSROOM SONG!!! 
Maraming salamat classmates!?.
Isang malaking #ACKaF !!!!
During this process I learned A LOT!!!!
#Acceptance tanggapin mo ang pagkakamali mo.

#Courage harapin mo ng buo ang situation at ang mga tao sa paligid mo.
#Kindness kahit anong ibato sayo. Tignan mo parin na mabuti silang tao. Never loose faith in humanity. Always choose to be kind.
and #Faith tiwala sa Panginoon na kahit anong mangyari hinding hindi ka niya pababayaan. Kutyain ka man ng lahat. Wag mo lang itigil ang pagdadasal. Aminin ko at one point tumigil ako. Sabi ko sa sarili ko para saan pa to parang di naman niya naman ako naririnig. Days of silence then this came. Hinding hindi na tayo pababayaan.tuloy lang pagdasal, may isa pa kaming patuloy na pinagdarasal na dumating ang araw na sabihin nila sa amin na “AY! PWEDE NA PALA KAYONG LUMABAS.”
Ang Probinsyano actor ay nanahimik na kung saan sila sabay na-bash ni Kim.

Going back to Yassi na leading lady niya sa Ang Probinsyano : “Mga Kaibigan po, mga  Kapamilya,mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan... Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sakanya ay mabuti po siyang tao.

Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga “kapamilya” niya.
Kami po iyon... mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod.. mga pamilya po niya.

Katulad po ng pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak.... ganun rin po ang tingin niya saamin. Sana po maintindihan po ninyo. Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay.”

So ano nga bang real status nina Coco at Julia?  Or ni Coco and Yassi?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with