^

PSN Showbiz

Nakipag-date kay Dingdong Marian, nag-day off sa pagiging nanay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nakipag-date kay Dingdong Marian, nag-day off sa pagiging nanay
Marian and Dingdong
STAR/ File

Nag-day off si Marian Rivera sa pagiging nanay kina Zia and Ziggy the other night.

For a change, nag-date sila ng asawang si Dingdong Dantes.

Naghanda siya ng set up para sa kanila ng mister as if nasa restaurant at nag-e-enjoy na silang dalawa lang habang nakikinig ng music at umiinom ng wine.

Matatagalan pa nga namang makapag-operate ang mga restaurant sa lagay na ito ng pandemic sa bansa na maging ang mga government official natin ay hindi na alam kung first or second wave na ba ang atake ng coronavirus.

Lahat ay take out lang ang mga eatery at ang balita pa, maraming restaurant ang hindi na magbubukas dahil sa pagkalugi.

Anyway, Spanish-themed ang inihanda ni Marian para mag-chill silang mag-asawa sa may garden area ng kanilang bahay. “Day off muna si nanay! Date muna with Mi Amor, quality time kahit nasa bahay lang ???? Made a simple yet special invitation para sa spanish themed date namin with food cooked by yours truly! Naks tamis tamisan...”

Kaya talagang super mom si Yan at super misis pa.

Pero pagkatapos naman ng date nilang ‘yun ay nagluto na naman siya for frontliners at kasama si Dingdong sa nag-distribute. “Arroz ala Cubana with boiled egg naman tayo ngayon para sa lunch ng ating frontliners at the checkpoints. We used Ate Glenda’s recipe and these meals will be delivered to Lingayen Pangasinan and Pasay. Thank you Mahal @dongdantes for distributing in Pasay.”

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with