Sylvia and Family
STAR/ File
Sylvia magne-negosyo na lang pag nawalan ng trabaho
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2020 - 12:00am

Masalimuot pa ring isyu ang franchise renewal ng ABS-CBN 2, pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang lahat at umaasang magbubukas din ito.

Isa na nga rito si Sylvia Sanchez na sinasabi niyang naniniwala siyang magbubukas pa rin ito at magbabalik na sila sa trabaho.

Kaya hinahanda na raw niya ang sarili sa bagong normal na haharapin natin.

Nabasa na raw niya ang guidelines na kailangang ipatupad sa taping at shooting, at pinaghandaan naman daw niya iyon at okay naman daw siya.

“Kailangan nating i-embrace yung new normal kasi para naman sa atin lahat yun eh,” pakli ni Sylvia nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules ng gabi.

Kung sakaling babalik na raw siya sa trabaho, at mag-resume ng taping sa Pamilya Ko, okay daw siyang ma-lockdown sa isang location at lalabas na lang kapag tapos na. “Let’s say magti-taping kami buong pamilya, nandiyan kami, tapos merong lumabas, at baka mahawa siya dun. Eh di hawa-hawa na tayong lahat pagbalik.

“Tama yung ginawa nilang yun,” saad ng Kapamilya actress.

Pero kung sakaling hindi pa magbubukas ang ABS-CBN 2, nakahanda na rin si Sylvia sa magiging bagong buhay nila, at haharapin na raw niya ang mga nasimulan nilang negosyo.

Isa na nga rito ang Beautederm na natutuwa ang aktres, kahit sarado raw ang Beautederm store nila, mabenta pa rin daw ang mga produkto nila sa online. “Kahit na-lockdown tayo, hindi kami na-stop. Ang dami pa ring bumibili online. Malakas talaga ang Beuatederm hanggang ngayon. Kumikita talaga,” bulalas ni Sylvia.

Kahit mga anak daw niya ay nag-iisip na rin ng puwedeng pagkakakitaan. “Nakahanda ako kasi lagi kong sinasabi sa mga anak ko na what if wala na akong trabaho, what if mangyari ito, what if wala na akong trabaho, palagi kasi ako advance mag-isip eh. Ang anak ko ngang si Gela kasi dapat graduate na siya ngayon ng college. Dapat sabi niya, bago mag-graduate meron siyang pera. Eh papaano yan ngayon? Sabi niya, magluluto ako ng alam kong luto at ibebenta niya online.

“Inaayos ng mga anak ko ngayon na magbebenta siya ng cookies niya tapos sabi niya kung puwede mabenta ang tacos ko. Para may pera naman daw siya. Iyun naman ang nakakatuwa ‘di ba?” dagdag na kuwento ng aktres.

Masarap magluto si Sylvia na puwede niyang pagkakakitaan, kaya mabuti na rin daw na nag-iisip na rin ang mga anak niyang mag-negosyo at hindi lang umaasa sa kanila ni Art Atayde.

Julie Anne may bagong inspiration?!

Dahil na rin sa lockdown at sa bagong normal na haharapin, nakahanda na rin si Julie Anne San Jose na mag-adjust kapag bumalik na raw sa trabaho.

Maraming guidelines na dapat sundin, pero hindi pa raw aware si Julie Anne kung ano ito.

Sa ngayon ay naka-focus daw muna sila sa mga nag-audition dahil siyempre mataas ang expectations ngayon sa mga susunod na clashers dahil nag-hit yung second season nila.

Hanggang June 28 na lang ang audition online, at pagkatapos nito ay paghahandaan na nila ang taping sa studio.

Sa ngayon ay inaayos pa rin ang album ng Asia’s Pop Sweetheart, lalo na’t nasa Spotify at iTunes ang kanyang single na Better.

Bukod pa diyan, marami-rami na rin daw siyang nagagawang mga kanta na malamang na susunod niyang i-record.

Natutuwa rin siya dahil bukod sa naka-bonding niya ang kanyang pamilya ngayong naka-quarantine ay na-inspire na rin siyang gumawa ng marami pang mga kanta.

May nagbibigay ba ngayon ng inspirasyon kay Julie Anne na makagawa ng mas marami pang kanta?

Tahimik naman kasi yan pagdating sa mga personal niyang isyu.

SYLVIA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with