Lorna Tolentino
STAR/ File
LT na-addict na rin sa Koreanovela
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2020 - 12:00am

Isa pa sa naging Korean addict habang lockdown ay si Lorna Tolentino, Salve.

Natawa ako nang sabihin niya na parang feeling niya isa siyang reborn Korean. Sa lagay na iyon kaunti pa lang ang napapanood niya ha. Nakakaloka siya dahil ngayon niya pa lang na-enjoy ang mga Koreanovela pero feeling reborn Korean na siya Hah hah.

Meron na naman tayong bagong makakasama sa pagpunta sa Korea hah hah, pero wala pa naman siyang crush na Oppa na puwedeng ipalit kay Rudy Fernandez, hah hah. Imagine, ang magiging step father nila Rap at Renz Koreano na, bongga ‘di ba?

Basta huwag niya lang aagawin sa akin si Jo In-Sung or else, maghanap na siya ng bagong nanay Lolit hah hah, meron threat!

Amy at pamilya, na-enjoy ang lockdown sa tabing dagat

Naloka ako kay Amy Austria.  Sa resthouse niya sa Batangas sila inabutan ng lockdown ng asawa niyang si Duke kasama ang tatlong kasambahay. At hanggang ngayon nasa Batangas pa rin sila at parang ayaw nang umuwi dahil parang feeling nila mas safe sila sa may tabing dagat.

Araw-araw sariwa ang kinakain nilang gulay, prutas at isda. Sariwa pa ang hangin at maganda ang scenery na parang akala mo hindi ka nakakulong sa bahay Hah hah.

Talagang nag-enjoy sila sa lockdown pero naisip din niya na walang naiwan sa bahay nila sa QC at baka marumi na ito pagbalik nila.

Dami talagang istorya ng lockdown.

‘Happiest Birthday’

It was my happiest birthday. Naloka ako na na-lowbat ang dalawang cell phone ko sa rami nang bumati mapa-tawag at text, at sa pagsagot ko dito.

Para akong bata na enjoy na enjoy sa mga food delivery na dumating, sa mga cake hah hah. Dahil siguro sa panahon, wala ang mga regalong bag at slippers na usually ibinibigay sa akin tuwing birthday ko. Pero alam mo ba ngayon ko na-appreciate nang husto iyong mga pagbati.

My heart was so full, na dumaan ang mga oras nang hindi ko namalayan na gabi na at patapos na ang araw at officially 73 years old na ako sa gitna ng pandemic hah hah.

Ganoon pala iyon, ‘yung feeling na ang laki ng pasasalamat mo kay God na umabot ka sa ganoong edad na malapit na sa departure area ng buhay pero dama mo pa rin na ang daming nagmamahal sa iyo. Natulog ako na feeling contented with the knowledge that I have done something good in my life to get all these love.

Thank you God.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with