Joshua, nami-miss na ang mall
Joshua
STAR/ File
Joshua, nami-miss na ang mall
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dalawang magkaibang pelikula ang ginagawa ni Joshua Garcia bago pa ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon noong Marso. Magbibida ang aktor sa Ang mga Kaibigan ni Mama Susan at Keys to the Heart na inaasahang tatapusin na kapag maaari nang bumalik sa trabaho sa susunod na buwan.

“Hopefully pagkatapos ng lahat ng ito ay matapos namin ‘yon,” bungad ni Joshua.

Sa ngayon ay talagang hinahanap-hanap na raw ng binata ang trabaho dahil mahigit dalawang buwan nang nananatili lamang sa bahay.

“Actually nami-miss ko na ang trabaho ko. Nami-miss ko na ‘yung mga kasama ko sa trabaho, ang mga kaibigan ko. Miss ko na ang mag-mall, miss ko na ang magtrabaho, ‘yon. Pero wala kang magagawa. At least ngayon may Zoom, nakakausap natin ‘yung mga kaibigan natin,” pagtatapat niya.

Ilang mga bagay din ang natuklasan ni Joshua sa sarili ngayong panahon ng lockdown. Para sa aktor ay kailangan pa niyang mapagbuti ang mga ginagawa para sa kaayusan ng sarili.

“Ang realizations ko ay more sa sarili ko, mas sa akin. Ang dami kong na-realize sa sarili ko na kailangan ko pang trabahuhin. May mga kailangan akong i-improve, may kailangan akong itigil para maalagaan ‘yung sarili ko po. Mas pagpapahalaga sa sarili lalo na ngayon na ang daming virus,” makahulugang pahayag ng aktor.

Matteo at Sarah, ayaw pang bumuo ng pamilya

Simula bukas ay mapapanood na sa iWant ang Ranger G kung saan ay tampok si Matteo Guidicelli. Matutunghayan sa naturang documentary feature ang naging training ng aktor sa pagiging isang scout ranger. Nang makauwi na si Matteo sa bahay ay mayroong ilang mga bagay pa ring ginagawa ang aktor na kanyang nakasanayan sa training.

“The first thing I did with Sarah, I asked her lang, ‘Can we kinamot?’ Kasi in the army that’s how we eat, boodle fight. That’s how the boodle fight started because of the army. So ‘yun ‘yung first date namin (pagkatapos ng training). Nagkamayan kami, nagkinamot kami in the restaurant. So I was eating with the hands and the first night when my dad would enter my room I was sleeping on the floor for one week. Sabi niya, ‘What are you doing?’ Nasanay ako sa floor eh but after a week naman I started going back to my normal bed and aircon, etcetera. But I miss it every day. I miss my friends. I miss the brotherhood, the camaraderie with people was really strong and I feel like it’s a brotherhood forever,” kwento ni Matteo.

Mahigit tatlong buwan nang kasal ang aktor at Sarah Geronimo pero sa ngayon ay wala pang plano ang mag-asawa na bumuo ng pamilya.

“No, not yet. I don’t think so, we’re still enjoying our time together for all these years and hopefully in the right time. I think every single day is a blessing. Every single day I am so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now, it’s a dream, I’m very, very thankful,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

 

JOSHUA ZAMORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with