^

PSN Showbiz

Kris tanggap na ang kapalaran!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris tanggap na ang kapalaran!
Kris Aquino

Wow si Kris Aquino sa kanyang Facebook (FB) followers ha.

Nagbibigay siya ng prize money sa mga viewers na nakakasagot ng mga tinatanong niya.

Ang cute lang dahil kahit papaano ay nakakatulong siya sa mga tao and at the same time nakaka-entertain pa siya.

Isa pa rin talaga sa pinaka-exciting na celebrity si Kris kaya hindi kataka-takang marami pa rin ang excited kahit sa FB live na lang siya napapanood. At mukhang may acceptance na siya in regard to her career. May path na siya na gustong tahakin at i-embrace for a new Kris Aquino.

Sana nga manatiling healthy si Kris kahit pa sabi­hing tanggap na niya na na-reach niya na ang kanyang peak sa showbiz.

Health muna niya ang i-prioritize niya bago niya harapin ang iba pang problema.

Bright move, Kris.

Coronavirus panira ng birthday

Hay, Salve, every year, food ang hinihingi kong birthday gifts sa mga alaga ko. Tinatanong nga nila kung saan ko dinadala dahil sa rami ng binibigay nila eh wala naman akong party at sino daw ba ang kumakain. Sabi ko naman binibigay ko ang mga ‘yon sa mga gusto ko sanang i-invite pag may party ako pero hindi ko nga hilig kaya dini-divide ko nalang ang mga ‘yon sa mga relatives at iba kong friends.

Every year, binibigyan ako nina Christopher at Sandy de Leon ng mga paborito kong crabs, prawns, fried rice at pansit. Si Tonton at Glydel Gutierrez naman ay turkey at ensaymada, si Lorna Tolentino naman nagbibigay ng pasta at roast beef.  Iyong iba naka-assign na sa lechon. Si Amy Austria, dati nagbibigay ng Plaza Ham and turkey, pero nag-cost cutting kaya ipinagluluto na lang ako ng Korean beef stew na ang sarap sarap naman at marami. Si Bambbi Fuentes on time lagi ang masarap na goods galing sa cookery.

Bongga ‘di ba, parang fiesta birthday ko, kaya talagang hinihintay iyon ng mga relatives at friends ko dahil waiting sila sa food sharing, hah hah.

Today ang birthday ko, 73 na ako. Happy na ako, kahit killjoy si corona. Marami pa ring nagpadalang pagkain.

Pero siyempre mas happy kung wala ang virus dahil tiyak mas maraming magpapadala ng regalo at pagkain. Hahaha.

(Happy birthday Nay. Bawi ka na lang next year. Hahaha. Love you. - Salve)

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with