^

PSN Showbiz

Kuwento tungkol sa panloloko ng asawa, bentang-benta sa mga pinoy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kuwento tungkol sa panloloko ng asawa, bentang-benta sa mga pinoy

Habang windang pa ang mga artista natin kung paano makaka-adjust sa new normal, wala namang naging problemang ganito ang Korea.

In fact, tuloy ang pagkaadik ng maraming Pinoy fans sa K drama na ang latest ngang kinababaliwan ay itong katatapos lang na The World of The Married.

Kuwento ito ng isang doktora na niloko ng asawa pero matindi ang pinagdaanan niya bago nagkaroon ng hustisya ang ginawa ng mister na pag napanood mo ay sasabihin mong ang hirap naman ng may asawa.

Ang intense ng mga eksena at ang huhusay ng mga artista.

Ayon sa online reports ng mga showbiz website sa Korea, ang nasabing palabas na ang may hawak ng highest viewership ratings sa Korean cable network.

Dito sa atin ay wala pang advise ang mga TV network kung kailan magre-resume ang taping o maging ang shooting ng mga pelikula na inaasahang maraming pagbabago ang magaganap dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing para hindi maghawahan ng covid-19.

Pawang mga replay pa ang napapanood sa GMA 7 habang off the air pa ang ABS-CBN na napapanood muna sa digital platforms at sa ibang cable channel.

 

vuukle comment

K DRAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with