Taping at shooting, aandar na uli sa June?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2020 - 12:00am

Marami na ang nagtatanong kung kailan kaya uli mag-uumpisa ang mga taping sa TV o meron bang mag-i-start ng mag-shoot ng movies.

Siguro ay inaayos pa ang health concerns sa mga gagawing taping o shooting o kung ano ang mga bagong protocols na kailangan sundin. Pinag-iisipang mabuti kung paanong setup ang gagawin para malimitahan ang mga tao na nasa set para masunod ang pag-practice sa social distancing, sanitation problems at pagkain para sure na nasa top standard ang lahat.

Tiyak ako na by June ay mag-i-start na ‘yan at makakaandar na ang mga camera pero siguradong magiging ibang-iba ang setup at condition para sa kapakanan ng lahat.

Malaki ngayon ang responsibilidad ng production kaya kailangan talagang ayusin nang mabuti ang lahat.

Paglalagare sa mga restaurant nakakatakot pa

Hay naku, Salve, sa Wednesday birthday na namin nila Dr. Hayden Kho, Terrence Romeo Jr. at ng apo kung si Kinsey McDonalds.

Nami-miss ko na talaga ang lagare lunch birthday treats sa akin na nakakaloka. Dalawa o tatlong lunch treats ang sabay-sabay kong tinatanggap dahil ayoko ng dinner. Hah hah. Remember meron tayong lunch kay Lynette tapos naka-segue pa tayo sa lunch ng Bizaare.

Naaalala ko rin ang grabeng tatlong sabay-sabay na pa-lunch ni Rubby Coyuito, powerful women of GMA na blowout ni Senedy Que at sa team ni Rams David para sa Triple A.

Talagang hilong talilong ako no’n hah hah.

Iyon ang mga mami-miss ko ngayong turning 73 na ako bukas, Wednesday.

Kasi naman si coronavirus umeksena pa kaya killjoy. Takot ko na lang na maglagare at kumain sa iba-t ibang resto ngayon.

Kaloka, ang 73rd birthday ko ang pinaka-memorable dahil sa pang-eeksena ni corona na pati ang gifts ko for sure ay affected, huh huh. Ayaw ko naman na ang regalo sa akin ay corona noh, crown of sorrow, hah hah.

Ok lang, basta the greatest gift, God made me safe during this trying time. Thank God.

 

SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with