^

PSN Showbiz

Jennylyn inisnab ang reunion ng Starstruck, umayaw makipag-chat sa co-stars sa DOST!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn inisnab ang reunion ng Starstruck, umayaw makipag-chat sa co-stars sa DOST!
Jennylyn

Marami ang natuwa sa reunion ng Starstruck 1 sa Facebook live chat ng All-Out Sundays nung nakaraang Linggo ng tanghali.

Kabilang sa mga naki-chat sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili at Rainier Castillo. Nag-host sa segment na iyon ay sina Michael V at Paolo Contis.

Ang tagal na ring hindi nakita si Rainier at wala nang balita sa kanya, at marami ang natuwa nang lumabas siya nung Linggo dahil parang ganun pa rin ang itsura at ang cute pa rin.

Pina-sample siya agad ng pinasikat niyang sayaw noon na Step Into the Rhythm na sabi nga ni Bitoy, anti-choreography daw si Rainier. Sinabayan naman siya ng mga kapwa-Starstruck ng sayaw na iyun.

Ang dami pa rin talagang supporters ng mga batang ito na parang nabuhayan nang nakita silang magkasama.

Ang dami ring natuwa sa mga trivia nila nang isumbong kay Bitoy na kung saan nagkabukingan na napaiyak si Rainier sa kissing scene nila ni Yasmien dahil nung time na iyun ay in love pa siya kay Sheena Halili. Nalaman ding hindi pala dumaan si Katrina sa audition, dahil nakita lang siya ng roving team ng Starstruck ay pinasali na siya.

Si Yasmien ay inaming wala raw siyang underwear nung nag-perform siya nung finals dahil wala nang oras nang bigla siyang pinagpalit ng damit para sa susunod niyang number.

Si Mark naman ay napangiti na lang nang ibinuking na marami siyang nakarelasyon sa batch nila. Hinanap nga doon si Jennylyn Mercado na pinakiusapan naman ng mga taga-AOS na sumali, pero hindi raw puwede.

Hindi lang nila alam kung bakit hindi available si Jennylyn, dahil pinakiusapan din pala siyang sumali sa grupo ng Descendants of the Sun pero hindi rin siya puwede.

Maganda na rin sanang napag-usapan ang ni-record niyang kanta para kay Mommy Lydia niya na inalay nung Mother’s Day.

Dahil sa magandang feedback sa reunion ng Starstruck 1 nung nakaraang Linggo, marami ang nagsasabing dapat nang ituloy ang binabalak na show ng GMA 7 para sa kanila.

May mga bago nga naman daw show na bubuuin dahil sa bagong normal natin ngayon.

Ruru handa na sa bagong sistema sa taping

Nakahanda na rin si Ruru Madrid na harapin ang mga bagong patakaran sa taping kapag bumalik na sila sa trabaho.

Sobrang na-miss na rin daw niya ang trabaho, pero sa loob ng mahigit na dalawang buwang naka-quarantine, nagkaroon siya ng sapat na panahon para makapag-ensayo kaya lalong gumanda ang katawan niya.

Pero sabi ni Ruru, ang isa sa sobra niyang na-enjoy habang naka-quarantine ay naka-bonding niya ang kanyang pamilya.

Kaya lalo raw silang naging close, at ang na-realize daw niya ay kailangang lagi mo raw sinasabi at ipinapadama sa pamilya mo kung gaano mo sila kamahal. “Hangga’t kaya mo pa sabihin sa iyong mga mahal sa buhay na mahal mo sila, sabihin mo.

“Wag ka magsawang sabihin yun sa kanila. Higit sa lahat ay ipadama at ipakita mo sa kanila ang iyong pagmamahal,” pakli ni Ruru.

Kaya kapag puwede na raw magtrabaho, du’n na lang daw siya lalabas ng bahay dahil hindi pa rin daw tayo ganun ka-safe kahit sabihing Modified Enhanced Community Qua-rantine.

 

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with