^

PSN Showbiz

Karla handang magpakulong ng mga nagmumura kina Daniel at Kathryn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Karla handang magpakulong ng mga nagmumura kina Daniel at Kathryn
Karla Estrada

Hindi rin pina­lagpas ni Karla Estrada ang panlalait na ginawa ng isang blogger sa magka-loveteam na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Manager pala ang nasabing blogger ni Mocha Uson kaya suportado ng followers ng OWWA Deputy Executive Director na nag-share ng mga banat niya laban sa magka-loveteam.

Nag-post si Karla sa kanyang Twitter account ng depensa sa mga sinabi nina Daniel at Kathryn, pero nakausap din namin siya sa DZRH nung nakaraang Biyernes ng gabi at nagpasalamat na rin siya sa ginawa ng KathNiel fans na talagang nag-trending ang kanilang hashtag na #WeBlockAsOne pati ang #StarveTheTrolls, at may Twitter party pa sila kinagabihan.

“Napakaganda kasi ng sinabi ng dalawang bata para hanapan mo pa ng butas.

“Kaya ang message ko kagabi sa Twitter ko, ‘hindi mo inisip na may magulang, kapatid, kamag-anak at mga supporter si Kathryn Bernardo at si Daniel Padilla para bastusin mo ang pagkatao nila.’

“Sabi ko pa, ‘ikaw ang bumuhay sa kanila? Wala kang ni isang katiting na karapatan para bastusin sila. Iyun lang naman ang mensahe ko, kasi hindi ko kaya eh.

“Kung ako lang, puwede kong deadmahin. Eh, nanay ako eh. Anak ko ‘yun. Hindi niya alam kung ano ang pinagdaanan naming mag-iina para marating namin ito, at para makatulong sa mas nakararami.

“Hindi lang sa kanya yun eh..sa marami pang kung magsalita at akala mo nagpakain sa amin ni minsan,” simulang pahayag ni Karla.

“Ang hinihiling lang naman na mensahe ng anak ko eh, respeto. Tapos yung nagtawag ka pa ng poot at galit sa mensahe nila, di ba napakapangit?

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng fandom ng KathNiel at sa KathNiel mismo. Maraming-maraming salamat sa ginawa nyong pagtatanggol sa dalawang bata,” dagdag niyang pahayag.

Hindi na raw niya kasi puwedeng palagpasin na lang basta itong mga basher na kung hindi man daw sila agree sa mga sinabi nina Daniel at Kathryn, puwede naman daw huwag na lang pansinin o magbigay ng kanilang opinyon, pero hindi naman daw sana aabot sa pagmumura at kung anu-ano ang mga sinasabi laban sa kanila.

“Ang pinaglalaban lang naman natin dito, eh sana mabawasan ‘yung pambabastos, ‘yung pagmumura sa kapwa. Hindi kasi kami umaabot na ipapakulong ka pa ‘di ba?

“Pero malay mo baka isang araw, pag hindi mo pa tigilan. Pag sumobra na talaga di ba?

“Minsan, you will get the dose of your own medicine pagdating ng araw na ganyan, paulit-ulit eh. Pagkakakitaan mo ang manira?” saad pa ng ina ni Daniel.

“Para ito sa 12 million followers nina Kathryn at Daniel. Kung tingin mo hindi ka dapat idamay, eh di deadma ka na lang, huwag mo na lang kami i-follow.

“Hindi ka karamay dito sa aming mga sinasabi. Kung sa tingin mo hindi ito para sa ‘yo, eh di huwag mo kaming i-follow, eh di wala tayong problema,” sabi pa ni Karla.

Hindi na raw niya alam kung ano ang nangyari sa account nung blogger na inireklamo ng KathNiel fans, pero ang mahalaga raw dito ay talagang kumikilos na raw ang fans sa mga basta-basta na lang manlait at mang-alipusta ng kapwa.

“Paano na lang yung iba na may anxiety, dumadaan sa depression, tapos biglang nabu-bully.

“Maglabas kayo ng opinyon nyo, okay ‘yun. Wala naman kaming pakialam sa buhay nyo. Maglabas ka diyan. Pero huwag naman na minumura n’yo, binabastos n’yo ang pagkatao ng iba.

“Sa akin, maaari kong mapalagpas dahil hindi n’yo binuhay ‘yang mga anak ko at hindi n’yo alam ‘yung mga pinagdaanan ko para buhayin sila ng maayos,” huling pahayag pa ni Karla.

Hindi na lang idinetalye sa amin ni Karla, pero tuluy-tuloy daw ang pagtulong nila sa ilang grupo ng relief goods at iba pang ayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Julie Ann nakipag-jam sa fans

Ngayon pala ang celebration ni Julie Ann San Jose ng kanyang 26th birthday na sayang nga dahil wala siya sa FB live chat ng All-Out Sundays.

Pero kagabi ay successful naman ang mini-online concert ni Asia’s Pop Sweetheart, ang Jam With Julie na napanood sa kanyang Facebook account, pati na rin sa FB account ng Artist Center at Universal Records.

Happy birthday Julie Ann.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with