Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
KathNiel fans nagpa-block /report party sa kakampi ni Mocha!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2020 - 12:00am

Solid talaga ang suporta ng mga KathNiel fans kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na binanatan nang husto ng isang blogger.

Hindi sila nagpabaya, kaagad na ikinalat nila ang hashtag na #WeBlockAsOne at #StarveTheTrolls.

Ang bilis din ng kampanya nilang ‘Block, Report, Mute’. Kaya sama-sama nilang ini-report ang isang blogger na na i-take down nito sa YouTube at Facebook ang kanyang post tungkol sa kanilang idolo.

Na-check ko naman sa Facebook nito, nandun pa rin as of yesterday noon.

Maraming binabanatan ang blogger na ito na obvious na maka-Duterte at kakampi ni Mocha Uson.

Kaya followers din ni Mocha ang nag-share ng post na iyon laban kina Daniel at Kathryn.

Pero masigasig ang KathNiel fans, hindi sila nagpapabaya, patuloy pa rin ang kanilang pagpapalaganap sa kanilang fandom ng pagtatanggol sa sikat na loveteam.

Kagabi ay meron pa silang ‘Report. Block. Mute. Party’ sa kanilang social media account, at patuloy pa ring nag-trending ang kanilang hashtag na #WeBlockAsOne.

Anak nina Paolo at LJ, umaarte na agad

Marami ang tuwang-tuwa sa huling post ni Paolo Contis sa kanyang Instagram account kasama ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer. Merong pa-acting workshop si Paolo sa anak niya na ang dali namang maka-pick-up.

Binigyan lang niya ng instruction na iyakan ang eksena, kinantahan lang ni Paolo ng malungkot na kanta, bumalahaw na ito ng iyak. Nang sinabi ni Paolo na cut, tumigil din ito at humalik na sa Papa niya.

Ang daming natuwa at ang ibang netizens ay ginamit pa ito sa kanilang TikTok.

Nakatsikahan nga namin si LJ sa DZRH nung nakaraang Huwebes ng gabi at proud siya sa kanilang anak na ang dali nga raw makakuha ng instruction at gustung-gusto raw niyang pinapaarte siya lalo na sa pagsasayaw. “Gustung-gusto niyang sumayaw. Nauna pa nga siyang sumayaw bago maglakad,” pakli ni LJ.

Dagdag pang kuwento ni LJ, madalas daw nilang nakaka-video chat ang Mommy niyang nasa New York para makumusta ang dalawang apo niyang sina Aki at Summer. Kapag nakita raw ni Summer ang lola niya, sinesenyasan daw si LJ na i-play ang music at humahataw na ito ng sayaw. “Kaya ang lola, baliw na baliw sa apo niya,” natatawang sabi sa amin ni LJ.

Posibleng pasukin ni Summer ang pag-aartista pero gaya ng ibang showbiz parents, gusto naman daw nila ni Paolo na mag-focus muna ito sa pag-aaral. “Ang gusto ko sana na makapag-establish sila ng education nila privately. Kung gusto talaga nila at iyun talaga ang calling nila, nandito lang kami para suportahan siya.

“I think they will be exposed, pero as parents gusto rin namin ma-experience nila ang normal na papasok sila sa school…yung mga ganun po na kahit papano po matikman nila yung private life,” saad ni LJ.

Kaya parang stress-reliever daw nila si Summer, lalo na’t nasa gitna pa rin tayo nitong pandemic na patuloy pa rin nating hinaharap.

Isa na nga siguro ito sa mga dahilan kung bakit nagbukas na si Paolo ng sarili niyang YouTube channel na sinasabi niyang wholesome lang daw ang mapapanood.

Samantala, abala pa rin si LJ sa project nilang mga young moms kasama sina Chariz Solomon, Camille Prats, Isabel Oli, Iya Villania at marami pa, itong Alalay kay Nanay.

Natutuwa siyang ibinalita sa aming mahigit 200 mommies at babies na raw ang nabigyan nila ng cash assistance para pambili ng gamit ng baby, gaya ng gatas, diapers, vitamins at iba pa.

Tuluy-tuloy din ang mga donasyon na nakakarating sa kanila, kaya sinisikap daw talaga nilang matugunan ang lahat na nanay na humihingi sa kanila ng tulong.

Sa mga gusto pang magbigay ng donasyon para sa Alalay Kay Nanay, puwede raw i-deposit sa BDO 2460001084 o BPI 1640002235.

 

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with