^

PSN Showbiz

Angelika walang planong magpadikta!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angelika walang planong magpadikta!
Angelica Panganiban

Muling nagsalita ang ilang Kapamilya stars sa Laban, Kapamilya FB live chat nila sa FB account ni Angel Locsin.

Sina Kuya Boy Abunda at Bianca Gonzales pa rin ang moderator na kung saan nagbigay ng kanilang saloobin ang bawat artistang sumali sa kanilang chat.

Bukod kay Angel, sumali rin sina Jodi Sta Maria, Shaina Magdayao, Angel Aquino, Jaime Fabregas, pati si direk Albert Langitan at isang miyembro ng unyon sa ABS-CBN na si John Villanueva.

Nagmarka ang mga pahayag nina Shaina, Angel Aquino, pero napaluha si Bianca pagkatapos magsalita ni Angelica na tumagos daw talaga sa kanya.

Pati ang pagiging ampon niya ay nabanggit ni Angelica, pero nabalik sa alaala ng mga netizen  ang pagiging maka-Duterte niya noon na ilang netizens ang nagtanong sa kanya sa Twitter kung natauhan na ba siya? Nakakalungkot. Pero oo. Patawarin niyo ko. Sorry natagalan,” sagot pa nun ni Angelica.

Madamdamin ang pahayag ni Angelica tungkol pa rin sa biglaang pagpapa-shutdown ng ABS-CBN, na mas ang inaalala nila ay ang mga empleyadong mawalan ng trabaho.

Bahagi ng mahabang pahayag ng Kapamilya actress; Hindi po ito tama. Hindi po ito tama sa bansa natin na may demokrasya.

Sa bansa natin na dapat may kalayaang mamili, at kalayaang makapagpahayag. Hindi po tayo papayag na iilang tao na lang ang magdidikta sa atin kung ano ang dapat nating panoorin, at kung ano ang dapat nating pakinggan.”

Muling nilinaw ni Angelica na hindi ang ABS-CBN ang kalaban natin ngayon kundi ang COVID-19. “Ang issue ay free mass testing. Ang issue ay iyong pagbibigay ng ayuda para sa mga mas nangangailangan. Ang issue po ay ang pagiging handa ng ating healthcare system sa isang pandemya. Ang issue ay ang kawalan ng trabaho ng milyun-milyong Pilipino. Ang issue ay kung saan kukuha ng pagkain ang bawat pamilya.”

Malumanay at madamdamin ang mga pahayag ng mga Kapamilya stars. Maingat na sila sa mga sinasabi dahil sa totoo lang  matindi ang bashing ng mga netizen na masakit din naman ito sa mga artista.

Kim muntik mabiktima ng aktor na bading

Ang gaan lang, kuwela at landi-landian lang ang huntahan ng mga sexy Kapuso stars na Ladies Room Pasok Na sa You LOL sa YouTube at Facebook account ng GMA 7.

Kasama sa live chat sina Chariz Solomon, Lovely Abella, Valeen Montenegro, Faye Lorenzo, Arra San Agustin at Kim Domingo.

May pa-games sila at nag-share sila ng mga experience nila sa boys na naka-date at nakarelasyon nila. May isang question kung sino sa kanila ang nambasted na ng artista.

Tinanong ni Kim kung basted na bang matatawag yung artistang humingi ng number niya na binigay naman niya. Pero nung nag-text daw, hindi na raw niya sinagot. Considered as ‘basted’ na ba yun?” tanong ni Kim

Sabi naman ng mga katsika niya, hindi pero kinulit nila ang sexy actress kung sino ito, kaya sinagot nila ni Kim sa private chat nila na hindi mabasa ng lahat na nakatutok sa kanila. Ah okay!” sagot ni Chariz. Hirit naman ni Valeen; Di ba medyo peppery siya?”

Peppery as in may pagka-paminta ang ibig niyang sabihin. Tila agree naman silang lahat na kuwestiyonable ang pagkalalaki nitong si aktor na sinundan pa ni Lovely ng; ah yung puwede sa kemirot, puwede rin sa kemirat?”

Naintriga din tuloy kami kung sinong aktor ito, na nung nalaman namin marami na nga kaming naririnig tungkol sa kanya. Marami siyang naka-date na girls, pero may mga kuwento rin kung ano ang ginagawa niya sa co-actors niya, na meron ngang muntik na siyang suntukin ng isang young actor nang sinilipan niyan ito habang umiihi.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with