^

PSN Showbiz

Mother’s Day naging special pa rin kahit lockdown

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother�s Day naging special pa rin kahit lockdown

Na-touch ako sa mga Japanese food na ipinadala ni Rhian Ramos at mga goodies na ipina-deliver ni Rhea Tan ng Beautederm. Grabe talaga, gusto kong maiyak kasi iyon Mother’s Day kahit sabi nila for commercial purposes lang kaya isinali sa calendar for celebration gaya ng Valentine’s Day ay isa pa ring very memorable day para sa ating mga nanay Salve.

Iyong meron makaalala to greet you, melt your heart talaga. At siguro dahil na rin sa tagal ng lockdown, medyo melancholic na ang mararamdaman mo. Marami ang baka hindi makadalaw sa mga mother nila, marami ang baka nawalan ng mother dahil sa pandemic, kaya napaka-memorable ngayon ang meaning ng Mother’s Day.

Kaya siguro, kahit Japanese food at foodies ang natanggap ko, medyo senti na ako. Love you Rhian and Rhea, you really made my day.

K drama na Big Shot sobrang nakakaiyak

Cry ako nang cry nang panoorin ko ang Koreanovela na Big Shot. Pang-Mother’s Day siya talaga dahil story iyon ng isang illite­rate mother na no read, no write pero nag-aral sumulat at bumasa para lang makagawa ng petition sa anak niya na nasa death row.

Tutulo talaga ang luha mo sa panonood how a mother love will try to move mountain para sa kanyang anak.

At ipinakita rin na kahit ang isang nakapatay ng anim na tao ay nagsisisi at namatay with peace in his heart dahil sa pagbabasa ng Bible at pagbabalik loob kay God.

Hindi forcing thru ang istorya, maganda ang takbo, kahit na iyon mention ng faith hindi preachy. Basta what you feel iyon unconditional love ng isang mother. Watch mo Salve pag hindi ka umiyak , bato ang puso mo, Big Shot, ang ganda.

Mga naka-ECQ, nakaka-relate sa pakiramdam ng mga nasa nursing home

Alam mo na meron ka nang ‘cabin fever,’ Salve, pag nagising ka at gusto mong matulog na lang uli. Wala na iyon excitement na ayusin ang gamit, magbasa o manood, dahil para bang ito na naman, isang araw na lilipas na wala ka naman gagawin.

Kaloka talaga, kundi siguro sa IG (Instagram) talagang pati utak ko matutulog na lang talaga kasi wala nang excitement ang pagpapalit ng araw. Basta na lang dumaraan ng hindi mo napapansin.

Hay naku, ganito siguro feeling ng mga nasa nursing home. Iyon para bang inutil ka, walang pakinabang at walang ginagawa, hah hah. Kung ako na 73 years old ganito ang feeling, ‘di lalo na siguro mga energetic at active teeners. Wow na wow talaga.

vuukle comment

MOTHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with