^

PSN Showbiz

Pagpapasara sa ABS-CBN nakakalito ang argumento!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagpapasara sa ABS-CBN nakakalito ang argumento!

Magandang legal study para sa lahat ang naganap na shutdown sa ABS-CBN.

Dapat itong maging mirror sa tao tungkol sa legality at fairness. Maging observant at vigilant ang lahat sa lessons na ibibigay nito sa atin. Kasi napasara ang isang malaking network, sinasabi na hindi ito lawful, na mali ito, eh bakit napasara?

Isang government agency ang NTC, si SolGen Calida member ng cabinet, bakit sinasabi ng mga Congressman at Senator na mali at hindi dapat naganap ang closure? Nakakalito.

Ano ba talaga ang tama, at sino ang mali? Bantayan natin ito, malaking aral ito na makikita natin kung ano ba talaga ang batas.

Huwag tayong padala sa emotional blackmail, dapat iyon batas ang makita nating tama.

At dito natin makikita ang fight of the giants, at sino ang mananalo.

Watch natin mabuti.

OFWs na nagbalik-bayan, naghihintay sa kanilang kapalaran

Hindi ko maisip o hindi kaya ng isip kong isipin kung ano ang mangyayari sa thousands of OFW na dumating dito sa Pilipinas. Most of the OFWs na pinauwi ay dahil tapos na kontrata, iyong iba naman ay dahil nagkaroon ng economic problem iyong mga pinanggalingang bansa, mas marami ang wala nang trabaho dun sa iniwan nilang country.

Ano ang gagawin natin sa mga umuwing OFW?

Mabibigyan ba sila ng trabaho? Maayos ba kalagayan nila rito sa atin?

Mind test talaga everytime mababalitaan mo na meron dumarating na mga OFW, mga seafarer, mga nawalan ng trabaho dahil apektado din iyon ekonomiya ng bansa kung saan sila meron trabaho.

Wow, magiging malaking problema sa lahat ang dami ng walang trabaho ngayon. Sana nga meron available para sa lahat.

4Ps maraming ginawang tamad!

Isa rin sa naapektuhan o naging masamang resulta ng 4Ps iyong mga taga-probinsiya na dati gustong magtrabaho as yaya o kasambahay pero ngayon ayaw na tutal meron 4Ps na tinatanggap ang pamilya nila.

Hindi ba dati iyon mga taga-probinsiya gustung-gusto magtrabaho sa Maynila, now no more. Iyon nga ang sabi ko, puwede naman magtrabaho, pero dahil nga meron nang natatanggap, ayaw na. Sayang.

Gaya mo, ‘di ba dinala mo pa sa Hong Kong ang yaya ni Aries, si Vanessa, pinayagan mag-aral sa gabi iyon yaya ng mga anak niya, ngayon caregiver na sa Singapore.

Pag mabait naging amo ng mga taga-probinsiya, puwede pa mabago ang buhay nila, kaysa habang panahon aasa sa binibigay sa kanila.

Ok sana ang 4Ps kung iyon binibigyan nito meron din pangarap na mabago ang buhay nila, iyon magtrabaho pa rin, iyon talagang mag-aral, para mabago ang buhay. Sana hindi naging dahilan ang 4Ps para maging tamad at umasa na lang.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with