^

PSN Showbiz

Gerald at Kim, ang lakas pa ring magpakilig

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald at Kim, ang lakas pa ring magpakilig
Kim and Gerald

Nakita ko na kung bakit nag-hit iyong loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Nang pinanood ko sa Cinema One ang pelikula nilang dalawa, grabe ang kilig ko sa electric appeal nila.

Bagay na bagay ang features nila, saka swak iyong acting nila.

Ok na ngayon at happy na si Kim Chiu kay Xian Lim, while carefree pa rin si Gerald.

Well, ang dami namang ginagawa ni Gerald kaya siguro busy siya at hindi na naghahanap muna ng girlfriend sa ngayon.

Well, at least nandiyan pa Cinema One channel, meron pa rin tayong channel na panonooran ng  hindi masyadong lumang movies.

Pat P. pinakamalungkot

Dapat Salve, i-text o tawagan mo ang buddy natin na si Pat P. Daza na talagang very involve sa mga bali-balita noon sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Binibiro pa natin siya na dapat chinika niya si SolGen Calida na nakasabay natin sa panonood ng fight ni Papa Manny Pacquiao sa Malaysia.

Si Pat P ang pinaka-worried na taga-ABS-CBN na travel buddy natin at madalas natin biruin na malapit na siyang maging jobless kaya magiging ticket seller siya sa Magic Land sa Bacolod ni Papa Albee Benitez.

Pero seriously, alam natin na isa sa pinakamalungkot si Pat P sa naganap na shutdown. Alam natin na sure na babalik din ang operation ng Channel 2, konting panahon lang ang hihintayin. Imposible na tuluyang mawala ang isang giant network ng basta ganoon lang, ipaglalaban iyan nila Papa Carlo Katigbak at Mark Lopez.

Sayang ang legal luminaries na lawyers ng ABS-CBN kung hindi ito ilalaban.

Pero bago iyon, yayain mo na si Pat P. na punta muna sa biyahe pagtapos ng lockdown, para mawala ang stress niya.

Mayor Joy at mga brgy. captain walang pahinga

Gusto kong pasalamatan Salve iyong Barangay Captain namin sa Fairview na si Kap Manny Chua.

Alam mo ba na talagang in-assist niya sila Mel sa lahat ng mga katanungan nila tungkol sa relief items at SAP.

Naipaliwanag niyang mabuti ang mga dapat gawin, ang mga kailangan para malaman nina Mel at ilang kasambahay sa Fairview ang puwede nilang benefits ngayon na may crisis.

Bongga si Kap Chua dahil ang tiyaga niya sa pag-aalaga sa mga taga-Barangay Fairview, at gusto ko siya dahil favorite siya batiin ng aming parish priest na si Father Rino Tomas noon dahil sa malaki niyang tulong sa aming parish at doon din siya nagsisimba sa aming parokya.

Well, kaya walang narinig na reklamo mula sa aming barangay dahil sa pakikipagtulungan niya sa office of the mayor, kay Mayor Joy Belmonte na talagang pagod na pagod sa pagbibigay ayuda sa lahat ng taga-Quezon City. Bongga.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with