^

PSN Showbiz

Mga tunay na magaganda lutang ‘pag naka-zoom

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Alam mo Salve, pag nanood ka ngayon sa interview ng mga star sa TV na ang gamit ay Zoom app, kitang-kita mo ang tunay na ganda nila.

Ang ganda ni Carla Abellana kahit sobrang close up ng camera. At makikita mo ang texture ng skin ni Alden Richards.

Kaloka iyon parang windblown hair ni Martin Nievera, at no make up look nina Richard Gomez at Lucy Torres.

Siyempre hirap sa make up at blower at nasa bahay lang kaya ayun, natural state ang beauty ng lahat.

Maganda rin at nakikita mo iyon background nila sa loob ng bahay, kaya meron kang konting silip sa kanilang private abode.

Bongga ang Zoom ha, pero dahil jurassic mga phone namin kaya ‘di puwede sa TIPMMG. Hahaha. Kaya hayun, two months na no show. Nakatipid si Salve, hindi siya nakarampa, hahaha.

Bambbi handa na sa new normal

Tumawag si Bambbi Fuentes at tinatanong niya kung puwede na magbukas ang kanyang Bambbi Fuentes Salon sa May 16 dahil pina-fumigate at disinfect na niya ang salon, at properly guided na ang mga make up artist at hairdresser pati mga manikurista ng health protocols like wearing mask, use of alcohol at social distancing.

Pati iyong mga gagamitin na make up sponge at brush, mga disposable na raw plus kung medyo delikado ang customers dapat magdala na sila ng sarili nilang gamit like brushes at sponges.

Medyo mahihirapan din mga tao ni Bambbi dahil siyempre kung saan sila sasakay pagpasok sa parlor dahil hindi pa sure kung in full operation na ang transpo by May 16.

Naku Salve, paano na ang beautification program mo, sure ako miss na miss mo na ang blower at pedi/mani hahaha pero tiis tiis, bago na lahat sa new normal.

Paano nga pala ang mga parlorista, tinulungan kaya ng DOLE o DSWD?

Medyo hirap din sila for two months ha, walang kita at hindi puwedeng lumabas.

Alpha Kid ni Javi hindi pa alam kung kailan ipapalabas

Napanood ni Sen. Bong Revilla ang Alpha Kid ni Javi Benitez na ginawa ni Direk Richard Somes at humanga siya sa husay ni Javi sa mga action scene.

Gustong-gusto ni Bong  ang action scenes at maganda raw ang flow ng istorya. Bongga ang Alpha Kid, nandiyan si Christopher de Leon, Joross Gamboa at Tonton Gutierrez.

Talagang ginastuhan ng malaki ang Alpha Kid na naurong nang naurong ang showing dahil nga hinanapan talaga ng magandang playdate hanggang dumating naman ang pandemic.

Pero basta naman maganda ang produkto kahit kailan mo itinda, tiyak bibilhin. At dahil maganda ang Alpha Kid, surely magiging maganda itong start sa acting career ni Javi.

vuukle comment

ZOOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with