^
Korina at Anderson pareho ang kapalaran!
Anderson Cooper

Korina at Anderson pareho ang kapalaran!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2020 - 12:00am

At least may one thing in common na ang CNN anchor na si Anderson Cooper at si Ms. Korina Sanchez na nagkaroon noong 2013 ng ‘petty quarrel.’ Duma­ting sa bansa si Anderson para mag-cover ng perwisyo ng super typhoon Yolanda sa Samar na noon naman ay Interior and Local Government Secretary ang mister ni Ms. Korina na si Mar Roxas.

Nagkaroon sila ng sagutan dahil ‘binira’ ni Ms. Korina si Anderson sa kanyang radio show sa pagre-report diumano nito na walang natatanggap na tulong o government presence ang Tacloban kaya hinamon nito si Korina na pumunta sa sinalanta ng super typhoon.

Ang tindi ng nasabing issue noong 2013 sa social media kina Anderson na isang lantad na gay at kay Ms. Koring.

Ngayon, pareho na silang may anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Si Korina ay nagkaanak ng kambal last 2019, habang si Anderson ay inamin two days ago na isang ama na siya.

“As a gay kid, I never thought it would be possible to have a child, and I’m grateful for all those who have paved the way, and for the doctors and nurses and everyone involved in my son’s birth.

“Most of all, I am grateful to a remarkable surrogate who carried Wyatt, and watched over him lovingly, and tenderly, and gave birth to him. It is an extraordinary blessing - what she, and all surrogates give to families who cant have children. My surrogate has a beautiful family of her own, a wonderfully supportive husband, and kids, and I am incredibly thankful for all the support they have given Wyatt and me. My family is blessed to have this family in our lives.”

Sa United Stated din nag-undergo ng process si Korina ng kambal na baby nila ni Mar na more than one year old na sa kasalukuyan.

Meteor Garden balik-telebisyon

Balik-local TV ang Meteor Garden ngayong Lunes (Mayo 4).

Puwede na nga uling sundan ang kwento nina Shancai at Daoming Si at kung paano nila ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan, kasama ang mga mi­yembro ng F4 na sina Huaze Lei, Fang Meizuo, at Ximen Yan, sa pagbabalik nito tuwing hapon.

Una nang umere ang 2018 remake ng sikat na Asianovela sa ABS-CBN noong Agosto 2018 at naalala kong mainit itong tinanggap ng mga mano­nood matapos magkamit ng 21.4% national TV ratings para sa pilot episode nito.

ANDERSON COOPER KORINA SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with