^
Carla at Tom, mag-asawa ang peg sa ECQ
Tom and Carla

Carla at Tom, mag-asawa ang peg sa ECQ

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 29, 2020 - 12:00am

Dahil sa lockdown, napanood ko si Carla Abellana sa 24 Oras na gumagawa ng mga trabahong bahay dahil umuwi ang kanyang mga maid of honor.

At isa pang discovery ay magkasama sila sa bahay ni Tom Rodriguez.

Bongga ‘di bah? At least dalawa sila ni Tom na nagbabahay-bahayan ngayong lockdown.

At natuwa ako doon sa sinabi ni Carla na mabuti na lang at kasama niya si Tom kundi mabo-bore siya sa lockdown.

Suwerte naman ni Tom na inabutan ng lockdown sa bahay ni Carla, ang ganda ng nag-aasikaso sa kanya ha.

Iyan ang masasabing suwerte sa lockdown.

Mga aktor na na-lockdown sa dyowa, bukung-buko

Alam mo Salve sa kagagahan ko na naman, naisip ko na kasama sa mga pinarusahan ni corona virus ay ang mga ‘babae sa dilim’ dahil naka-house arrest iyong mga lalaki sa bahay ni legal wife ‘di bah?

Kung inabutan sa bahay ni number 2 si Papa, sure ako after ng lockdown siguro tuloy na hiwalay nila ng legal wife.

After ng lockdown din malalaman natin ang male star na na-lockdown sa bahay ng mga girlfriend nila. Hahaha at sana nakabili sila ng pills bago quarantine noh, kundi meron tiyak baby boom this year.

Jude nakaalala...

Naku ha, dahil binabati natin si Col. Jude Estrada sa TIPMMG, nagpadala siya malalaking bangus kay Cristy at pinadalhan ako plus mga mga gummy bears na favorite ni MJ.

Nagulat si Mel (kasambahay namin) sa laki ng mga bangus na para raw hindi bangus.

Kaloka si Cristy dahil mula Valenzuela pinadala niya via Lalamove ang mga bangus at gummy bear. Padalhan ko sana wine o gin sina Tina at Japs pero bawal ang alak hahaha.

Thank you, siguro kung malapit lang bahay ko, mas maraming magpapadala ng ayudang ulam dahil alam nila matakaw ako hah hah. Kaso sa Fairview ako na farview ang tawag nila.

Thanks papa Jude Estrada, mas mahal na kita kahit magalit Jinggoy, joke joke.

CARLA ABELLANA JUDE ESTRADA TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with