^

PSN Showbiz

Ayuda nina Mikael at Megan hindi inasahan ng production staff

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ayuda nina Mikael at Megan hindi inasahan ng production staff
Megan at Mikael

Ang ganda ng ginawang gesture nina Mikael Daez at Megan Young na binigyan assistance iyong staff ng kanilang show.

Nagpasalamat ang production staff dahil hindi nila akalain na gagawin ‘yun ng bagong mag-asawang sina Mikael at Megan.

Mula pa noon sa Starstruck mahal na mahal na ng staff si Megan dahil napakabait at hindi nagbago kahit nang maging Ms. World pa siya.

Kahit iyong utility na si Wally puring-puri siya dahil naalala pa niya kahit pa nga matagal silang hindi nagkikita.

People like Mikael and Megan are really admirable dahil nagagawa nila mag share ng biyaya. Bravo and thanks.

Lutong ulam at bagoong, patok na negosyo ngayong lockdown

Alam mo ba Salve, na si Rexy Tiangco na isang alahera na kakilala natin at laging nasa Take It... Per Minute! (Me Ganun), ang ginawang sideline ngayonG lockdown ay pagtitinda ng mga ulam at bagoong?

Tumatawag siya sa mga gustong mag-order ng laing, ginataang tulingan at bagoong.

At pag bumili ka, kaloka na pag merong sukli, hihingin na niya sa iyo at sasabihin pa na bigyan ko siya ng isang box ng iVi Met na collagen drink.

Eh di ba 2K mahigit ang isang box kaya ang mahal ng lumalabas ng tinda niya ha.

At ang claim to fame niya ay number one raw nag-o-order sa kanya ay sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Sarap na sarap daw ang mga ito sa mga niluluto niya eh ‘di ba ang sarap magluto ng cook ni Cristy kaya gustung-gusto natin iyon lunch natin every Tuesday sa TIPPMG.

Saka sa mahal ng presyo ng tinda ni Rexy, hindi papayag si Tina at Japs noh. Hahaha.

Pero in fairness, masarap iyon laing at tulingan niya hindi ko lang type iyong bagoong dahil mas type ko iyon Barrio Fiesta at give away ni Rose Garcia. Pero ok din business ni Rexy, habang meron lockdown kumikita siya.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with