Wedding anniversary nina Sharon, Judy Ann,Lucy nabiktima ng extended ECQ!
Regine at Lea

Wedding anniversary nina Sharon, Judy Ann,Lucy nabiktima ng extended ECQ!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2020 - 12:00am

Kahit naka-Enhanced Community Quarantine pa rin tayo, tuloy pa rin ang selebrasyon ng mga showbiz couple, kagaya nitong 24th wedding anniversary nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ay mas intimate na ipinag­diwang ng pamilya.

Ang request lang naman daw ni Sen. Kiko ay ipagluto siya ng megastar ng meatloaf, kaya ganun lang kasimple ang kanilang selebrasyon.

Kasabay ding mag-celebrate ng wedding anniversary ay ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Nag-usap na rin daw sina Sharon at Judy Ann kung paano rin mag-celebrate sila ni Ryan ng kanilang 25th wedding anniversary.

Ang pagkakaalam ko, iyun din ang anibersaryo nina Mayor Richard Gomes at Cong. Lucy Torres, kaya para-pareho silang may kakaibang wedding anniversary celebration sa gitna ng pagkalat ng COVID-19.

Samantala, in-announce na rin ni Sharon sa radio program ni Noel Ferrer na inaayos na rin daw ang kanyang live streaming concert sa Facebook at YouTube para sa Mother’s Day.

Mukhang ito na talaga ngayon ang bago nating entertainment na napapanood na lang online.

Concert ni regine nakaipon ng P4.2 million

Nung Sabado ng gabi na pala ang online concert ni Regine Velasquez na One Night with Regine bilang bahagi ng kanyang 50th birthday celebration.

Umabot ng tatlong oras ang online show na bago nagsimula, ipinalabas muna ang birthday greetings mula sa limampung kaibigan sa showbiz na all-out ang suporta sa kanya.

Ang 50th greeting nga ay mula kay Sharon na meron pa siyang kantang hinandog sa bestfriend niya na nagsasaad ng kanilang pagkakaibigan.

Para sa Bantay-Bata ang nalikom sa concert na iyun na bago pa sila nagsimula ay mahigit isang milyon na ang nalikom.

Hindi na napigilang maluha ni Regine nang magbigay ng isang milyong donasyon si Sharon. Paulit-ulit din siyang nagpapasalamat sa lahat na mga patuloy na nagbigay at mga sponsor na dati nang sumusuporta sa mga concert niya.

Umabot ng mahigit apat na milyong piso ang nalikom ng online concert.

Sabi pa ni Regine, naka-schedule raw dapat siya na magkaroon ng concert sa June, pero hindi na nga ito matutuloy.

Ginamit daw nila ang titulong One Night With Regine dahil ito rin ang titulo ng concert niya noong 2002 sa Music Museum.

Nakaka-touch ang duet ni Regine sa anak niyang si Nate na hindi pa raw nakapag-dinner nung oras na iyun dahil kakanta pa siya.

Panalo ang pre-recorded duet nina Regine at Lea Salonga na sinasabi ng huli na nahihirapan daw siya talagang makipag-duet kay Songbird.

Pero hangad ni Lea na magkaroon daw sana sila ng concert ni Regine sa isang malaking venue, iyung talagang glammed up at may mga bonggang production numbers.

Sana nga mangyari iyun kapag naging normal na ang lahat.

Kaya naman nakikita namin sa Twitter kung gaano ka-excited ang fans nila sa posibleng pagsasama ng dalawa.

Nag-trending ang online concert ni Regine nung gabing iyun, na natutuwa siyang sinasagot ang ilang tweets ng fans na talagang pinaghandaan ang panonood sa online concert niya.

May ilang bading ngang nag-gown pa habang nanonood sa kanilang tahanan.

Pati ang ilang showbiz personalities ay nagti-tweet ding nakatutok sila.

Kagaya ni Vice Ganda na isinasabay pa raw niya sa hapunan niya with matching tortang talong na ulam.

Congratulations kay Regine, kay Ogie at sa Bantay Bata na nakalikom sila ng malaking halaga para sa kanilang beneficiaries na mga kabataan.

KIKO PANGILINAN LEA SALONGA REGINE VELASQUEZ SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with