^
Sarah wini-wish magkaroon ng quarantine baby!
Sarah

Sarah wini-wish magkaroon ng quarantine baby!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2020 - 12:00am

Kung malabo pang makabalik sa paggawa ng pelikula kahit pagkatapos ng extended enhanced community quaran­tine, siguradong ganito rin ang kapalaran ng live concert hangga’t may banta ang covid-19.

Kailangang-kailangan pa raw ng social / physical distancing para hindi mahawa ng covid-19 kaya tiyak takot ang mga manonood ng concert.

Karaniwang magkakadikit ang mga nanonood ng concert.

Saka pagkatapos ng krisis na ito, hindi na rin magiging priority ng lahat ang panonood o paggastos sa concert.

Kaya ang mga singer / concert artist siguradong apektado at magiging pahirapan na ang paghahanap ng raket.

Sa kasalukuyan abala muna ang mga singer sa mga digital fund raising concert.

After nina Lea Salonga, Gary Valenciano and Regine Velasquez for Bantay Bata kagabi, may digital concert uli ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine na One Music. One Hope on Tuesday, April 28, at 8:00 p.m na ang CBN Asia ang organizer. Ito ay para pa rin ay maka-raise ng funds for frontliners at mga nawalan ng trabaho. Makakasama nila sa nasabing concert sina Timmy Pavino, Janina Vela, and Lara Maigue.

Sa case nila Ogie and Regine, Lea, Gary o Sarah Geronimo, wala silang problema na kahit wala munang live concerts dahil financially, stable sila, pero paano kaya ‘yung maliliit na artist na umaasa sa mga raket-raket?

Anyway, pare-pareho sana silang may concert for this year, pero kanselado na nga dahil sa covid pandemic.

By the way, hinahanap si Sarah ng fans niya sa exercise videos ng mister niyang si Matteo Guidicelli.

Lagi lang kasing nagso-solo ang mister pag nagpapawis sa threadmill at nasa stationary bike.

Maraming nagwi-wish na after the extended enhanced community quarantine ay preggy na si Sarah.

Pelikulang john denver trending libreng mapapanood!

Mapapanood na ng libre ang kuwento ng isang bata na lalabanan  ang pangu­ngutya at pang-aapi dahil sa isang viral video niyang kumalat sa internet na napanood sa Cine­malaya 2019 Best Film na John Denver Trending sa iWant.

Iikot ang pelikula sa buhay ng binatang si John (Jansen Magpusao), na mapagbibintangang nagnakaw ng iPad. Habang ipinagtatanggol ang kanyang sarili, mapapasabak si John sa isang away – isang pangyayaring babago sa kanyang buhay dahil kakalat ito sa internet.

Maliban sa Best Film, napanalunan rin ng indie film ang NETPAC Jury Prize, Best Actor, Best Editing, Best Cinematograpy, at Best Original Score sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival. Inuwi rin nito ang ilang major awards sa Vesoul International Film Festival, kasama ang Special Jury Prize, Audience’s Choice Award, at Critics’ Choice Award, pati na rin ilang pagkilala mula sa iba’t iba pang international film festivals. Kalahok na rin ang pelikula sa 14th Asia Pacific Screen Awards at mapapasali sa mga nominasyon.

Kanselado naman ngayong taon ang Ci­nemalaya.

Aga at Regine magpapakilig sa tv

Back-to-back na pelikula na naman ang mapapanood sa Kapuso Movie Festival ngayong Linggo. Una ang animated action-adventure co­medy na  Open Season. Nagbabalik din ang IMF agent na si Ethan Hunt (Tom Cruise) para sa kanilang pinakamahirap na misyon kasama ang kaniyang team sa Mission: Impossible - Rogue Nation.

Pakikiligin naman nina Aga Muhlach at Regine Velasquez ang mga manonood sa romantic-comedy film na Of All the Things sa GMA Blockbusters.

Sa Sunday Night Box Office (SNBO), tutukan naman ang horror movie na Malikmata  tampok si Rica Peralejo, isang babaeng may kakayahang makita ang mga trahedya sa hinaharap.

Mapapanood ang mga nasabing pelikula Kapuso Movie Festival ngayong Linggo pagkatapos ng iBilib sa GMA-7.

GARY VALENCIANO LEA SALONGA SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with