_ngayon
^

PSN Showbiz

Mother Lily nagpa-good vibes sa piano concert!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily nagpa-good vibes sa piano concert!
Mother Lily

Nakaka-good vibes ang live streaming piano concert ni Mother Lily Monteverde nung nakaraang Biyernes ng hapon sa Facebook account ng Regal Entertainment, Inc. at Roselle Monteverde.

Mahigit 30 minutes lang ang pagtutugtog niya ng piano na pinamagatang Good Vibes.

Sabi ni Roselle, gusto raw talaga ni Mother Lily isang oras ang pa-concert niya pero napagod na raw siya kaya mahigit 30 minutes lang siyang nagtutugtog.

Mala-concert talaga na binuksan muna niya ng Pambansang Awit at tuluy-tuloy na siyang nagtutugtog ng mga paborito niyang piyesa.

Hindi naman daw ito fund-raising concert niya, gusto lang daw niyang magbigay saya na napapangiti ka nga naman kapag pinapanood mo ang isang 82-year old lady na nagtutugtog ng piano.

Kung hindi ako nagkamali, ito yung piano na birthday gift ni Sen. Bong Revilla sa kanya.

Tawa nang tawa si Mother nang nakausap ko pagkatapos niyang magpa-concert dahil gusto pa raw sana nyang umulit, pero depende raw kay Roselle. Napapagod naman siya, eh gusto nga niya one hour pa,” napapangiting sagot sa akin ni Roselle nang tanungin ko.

Basta tuwang-tuwa na si Mother Lily sa mga magagandang comments sa FB account ng Regal.

Tuwang-tuwa na siyang  napa-bravo” si Aga Muhlach habang tumutugtog siya.

At least nakipagsabayan si Mother Lily sa mga kilalang singers na may pa-concert sa kanilang Facebook account at nakakapag-fundraising.

Gabi-gabi si Martin Nievera sa kanyang FB account, meron ding nakatakda si Ogie Alcasid sa April 27 ng 6pm na pinamagatang Dominus Est! It Is the Lord! at si Regine Velasquez naman ay meron ding Istorya na ia-announce pa lang kung kailan.

Tinanong ko na rin pala si Roselle tungkol sa mga natengga nilang pelikula na hindi natapos ang shooting dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Sabi niya, may lima raw silang pelikulang sinu-shoot na na-hold ang shooting. Itutuloy pa rin daw nila ang shooting pagkatapos ng ECQ dahil commitment na raw nila ito sa mga artista at kailangan daw talaga nilang tapusin.

Pasabog na summer pictorial ni Julie Anne, bulilyaso

Tuwang-tuwa si Julie Anne San Jose sa solid na suporta ng fans niya nang ini-release nung nakaraang Biyernes, April 24 ang single niyang Better. Nung araw ding iyun ay kaagad itong nag-trending sa iTunes at Spotify, hindi lang dito sa atin kundi pati sa ibang bansa gaya ng Indonesia, Singapore, Vietnam, Thailand, Hongkong at Taiwan.

Nasa Spotify New Music Friday playlist din agad itong Better sa mga naturang bansa at nasa banner na rin ng Spotify PH homepage.

Sabi nga niya nung huling nakatsikahan namin, sa pagkanta na muna siya mag-focus lalo na’t may tinatapos pa siyang album na kung saan nakipag-collaborate siya sa iba’t ibang kilalang singers.

Ngayong naka-quarantine pa tayo, marami rin ang nagri-request kay Julie Anne na magpa-live streaming concert siya para makapag-raise na rin ng funds para sa mga frontliner at naapektuhan ng COVID-19. Pero mas gusto muna niyang mag-focus sa promo ng Better.

Nakasali na rin naman si Julie Anne sa iba’t ibang live streaming musical show gaya ng sa Lazada, Universal Records, at sa Healing Hearts ng GMA Artist Center.

Ang isa palang naudlot na balak sanang gawin ni Julie Anne ay ang pictorial sana niya para sa summer. Kaya pinaghandaan din ng Asia’s Pop Sweetheart ang katawan niya dahil may pasabog sana siya na sexy pictorials na gagawin, pero hindi na natuloy dahil sa ECQ.

JULIE ANN MOTHER LILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with