^

PSN Showbiz

Vietnam nilayasan agad ng virus!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vietnam nilayasan agad ng virus!

Ang bongga naman ng Vietnam. Wala na silang bagong case ng coronavirus, maaga raw nilang ginawa lahat ng preventive measures kaya hindi nagtagumpay si coronavirus na maging superstar sa kanilang bansa.

Alam n’yo ba na noon pa ako amazed sa history ng Vietnam, na kahit ang liit ng country nila at walang bonggang military power pero hindi nanalo sa kanila ang China at USA.

At iyon after iwan sila ng USA, pagkatapos ng Vietnam war na hindi maganda ang airport na parang isang probinsiya lang natin dito sa Pilipinas,   ngayon ang laki nang iginanda.

Shocked nga ako nang pumunta tayo nila Lynette, Rose, Vinia at Gorgy sa Vietnam Salve dahil ibang iba na ang hitsura nito.

At hindi ba sila sumagip sa mga fisherman natin na muntik nang malunod sa dagat.

Bongga ang mga Vietnamese ha, parang maganda disiplina nila at palakad. Bisitahin nga natin uli Salve, total enjoy ka rin mag-shopping doon.

Pamimigay ng relief goods parang mas tama kesa pamimigay ng datung!

Ayokong magalit pero parang nakakainis dahil kita mo ang kapalpakan.

Napanood ko sa 24 Oras iyon mga tao na nagsoli ng natanggap nilang financial assistance dahil na doble daw dahil 4Ps recipient na sila.

Sabi nga ng isa kawawa naman iyong walang natanggap samantalang siya nakatanggap na.

Paano ba ang distribution nito? Sino ba ang namili ng bibigyan? Bakit pati mga addict, lasenggero, sugalero, meron natanggap, pero iyon iba wala.

Kung ang barangay ang namamahala, dapat managot sila dito. Kawawa naman iyon mga hindi nakatanggap, iyon mga middle class na nagbayad ng tax, na umaaray na rin dahil kailangan ang assistance. Ang laking pera ng sinasayang sa mga tao na hindi dapat bigyan. Buti pang pagkain na lang binigay sa kanila, baka mas mabuti pa.

Ready to cook food, mabenta sa online

Meron palang ready to cook food ang Vanilla Pastry Shop.

Ang sarap ng sisig at kaldereta pero mas yummy iyong kare-kare nila.

Bongga rin iyong big size cookies nila na puwede palang um-order online.

Kung hindi pa ako pinadalhan ng secretary ni Gunn Roque na si Adet, hindi ko malalaman na available pala online ang masasarap na pagkain na iyon na sure ako magugustuhan ninyo dahil iinitin mo lang at bongga, meron ka nang ulam. Meron yata silang mga rider na magdi-deliver pag nag-order.

Naku, subukan ninyo iyong choco cookies nila magugustuhan mo, saka iyong kare-kare na perfect habang naka-lockdown pa.

vuukle comment

GUNN ROQUE

SALVE ASIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with