Ormoc naalagaan sa COVID ni Mayor Goma!
Goma
Ormoc naalagaan sa COVID ni Mayor Goma!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2020 - 12:00am

Kahit patuloy ang pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 sa iba’t ibang lugar sa buong Pilipinas ay nananatili namang covid-free ang Ormoc City.

Ayon sa Alkade ng lungsod na si Richard Gomez ay kinailangan nilang maghigpit sa nasasakupan para sa kaligtasan ng mga kababayan.  “We’ve been working hard to keep Ormoc covid-free. It’s been over a month already since the time we closed our borders. We’ve been very strict in allowing people to enter Ormoc City. I think this infection will not end anytime soon. There’s a very clear indication that we will continue our closing down of border control and our quarantine control in Ormoc City. We cannot see our enemy. It’s a difficult kind of war this time. What will save us now really is the discipline coming from people. If only people will follow the authorities are saying, social distancing, stay at home, don’t linger with people, there’s a big chance the infection curve will go down,” pahayag ni Mayor Richard.

Malaki ang pasasalamat ng dating aktor dahil nag-negatibo sa covid test ang ilang mga kababayan na naging person under investigation kamakailan. “Because of limited availability of testing kits, what we test are the ones being checked by our doctors. Seventeen PUI’s were tested and thank God, the seventeen came out negative,” pagbabahagi niya.

Mas pinaghigpitan pa ni Mayor Richard ang pagpapasok ng mga tao sa lungsod lalo pa’t may naiulat na mayroong ilang namatay sa mga karatig-bayan dahil sa covid-19. “We have five major borders in Ormoc City. In all of those border areas, we’ve been very strict. The PNP and the Philippine Army have been there 24/7 including medical staff, nurses. We only allow entry in Ormoc City if people need emergency operations, if they’ll be giving birth. For those patients complaining of respiratory ailments, they need to get a doctor’s clearance from our city health office,” paglalahad ng Alkalde.

Jolens-Marvin, naghihintay uling magkaroon ng the buzz

Maraming mga tagahanga ng tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang kinilig sa naging pag-uusap ng dalawa na ipinakita ng aktor sa pamamagitan ng Ingtagram live noong Lunes.

Matagal nang nababalitang posibleng magtambal muli sina Jolina at Marvin upang gawin ang sequel ng Labs Kita, Okay Ka Lang?

“Hindi ko nga alam kung kailan eh,” nakangiting bungad ni Jolina.

“Tapusin po muna natin ang covid. Ang priority po muna natin ngayon ay mabuhay tayong lahat. Huwag ho kayo mag-alala, pwede naman kaming mag-IG live at gawin ang mga eksena,” dagdag naman ni Marvin.

May tagahanga ring nagtanong sa dalawa kung posible kayang nagkatuluyan sa totoong buhay ang mga idolo kung hindi nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya. “Friend zoned ako eh. Hindi ko pa po nalalabas ‘yung side ng story ko. Kasi wala pang ‘The Buzz,’ kapag nagbukas ang ‘The Buzz,’ ako ang unang guest,” pabirong sagot ng aktor. (Reports from JCC)

JOLINA MAGDANGAL MARVIN AGUSTIN RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with